Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Saturday, June 26, 2021

Hindi ako fan ni PNoy pero Salamat pa rin!


Hindi ako fan ni dating Pangulong Noynoy Aquino.  Noong tumakbo sya sa eleksyon ng 2010, para sa akin siya ang pinaka hindi kwalipikado sa lahat ng tumatakbo.  Halos wala syang nagawang batas o anuman sa kanyang termino bilang kongresista at bilang senador. Ngayong namatay siya, ay siguro naman dapat nating irespeto at pasalamatan ang kanyang inilaang oras para sa paglilingkod sa ating bayan.  Hindi ito perpekto pero, he deserves our salute and our respect.


Aquino never wanted to be President, it was the electorate who pushed him to be a candidate.  It was the electorate's belief and heartwarming support for her mother that they believe another Aquino should lead our country.  He was not ready and he is not expecting it but he answered the call and the challenge.


Former President Noynoy Aquino was not perfect but who is?  Sino ba sa ating mga naging Pangulo ang perpekto?  Sino ba ang walang kasiraan?  


Para sa akin naniniwala ako na marami siyang nagawang mabuti para sa ating bayan.  Sinubukan niyang linisin ang pamahalaan at ituwid ang daan kahit gaano pa kabaluktot ito. He fought corruption that was the cancer of our country, unfortunately, it seems he did not succeed for after his term they were once again in office.


Talamak ang drugs daw sa panahon nya.  Well, may katotohanan naman pero siya ba ang dahilan nito? Kasalanan ba niya ito?  Ang problema sa droga ay may malalim na dahilan at depende sa tao ay may kanya-kanyang pinagmulan.  It was never his fault and her family and he himself was not to blame for it.


Nakakalungkot lang na sa edad kong ito, sa loob ng 43 taon ay ngayon ko lang nakita ang ganitong ugali at pagkakawatak-watak ng bawat Filipino.  Noong panahon ni Marcos at pagkatapos niyang maalis sa pwesto ay hindi naman nawalan ng respeto ang Filipino sa bawat isa pero bakit simula noong 2016 ay tila nabahiran ng galit at poot ang mga mamamayan.


Bakit ka galit sa kulay na dilaw? Bakit ka galit sa kulay na pula? Ito ba ang tamang daan para umunlad ang ating bayan?  Bakit mo kailangan isisi sa kulay ang mga naging problema ng bayan? Bakit hindi mo na lang tingnan ang mga tunay na ebidensya at wag ang fake news.


Hindi ako fan ni PNoy.  He was never my idol but I believe he is a good president.  He is selfless and had served his country well.  He has dignity and the truth is he fight for our people.  


"KAYO ANG BOSS KO," ito ang patunay na siya ay tagapaglingkod ng bayan at hindi siya ang ating pinaglilingkuran.  Hindi nya tiningnan ang kanyang sarili bilang boss ng samabayanang Filipino na dapat sundin araw-araw kundi kabaliktaran.  Tayo ang boss nya!


If we have respect for our own self then we should ask, bakit ako galit sa dilaw? Bakit ako galit kay PNoy?  Ano ba ang naging napakabigat na kasalanan nya sa akin at sa ating bayan?  Meron ba?  Sa palagay ko ay wala.

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot

Pages