Walang masama na maging maingay. We should express how we feel as citizens of the Philippines. Be noisy for a cause. Be noisy for the right thing. Let us be Pinoise with common sense. Hindi na kami pagod kasi noisy na kami!

Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Thursday, March 21, 2019

Are Filipinos Dishonest?


Nakakalungkot na pagkatapos lamang ng isang linggo ay natapos na ang "Honesty System" ng Green Frog Hybrid Bus Company.  Ayon sa kanila halos 3 sa 7 na pasahero nila ang makakapal ang mukha na hindi nagbabayad ng pamasahe.  Are Filipinos dishonest already?  Hindi na ba tayo mapagkakatiwalaan?

Bakit Ayaw Nila Magbayad?

Ano ba ang dahilan at may 30% na sumasakay ang hindi nagbabayad?  Unang-una malinaw naman na pagsakay ay magbabayad ka na.  Pwedeng maghulog ng buong Php20 o kaya mag tap ng card.  Di naman siguro pwede sabihin na walang baraya kasi alam na nila kung magkano ang pamasahe.

Sa sobrang tiwala ng Green Frog Hybrid Bus Company siguro eh hindi na binantayan ang mga sumasakay at bumababa kaya ang mga kawatan eh nanamantala.  Kaso, ayus lang sana kung mga 5% to 10% pero ang 30% wow ha!

Ikaw, may naiisib ka ba na rason at hindi sila nagbabayad?  Teka, baka isa ka sa mga di nagbayad ah.



May Problema ang Sistema ng Green Frog Hybrid Bus

Ayon naman sa isang netizen na nagcomment sa post ng kumpanya, wala raw kinalaman ang honesty sa mga di nagsipagbayad.  Aba! Aba! Aba!  Sige nga bakit?

Eto raw ang mga nakita nyang problema:

Rush hour siksikan pano ka makakpagbayad? Aakyat ka sa bus di ba?  Tapos andun ang bayaran, eh di ihanda mo pera mo bago ka umakyat and then sabay bayad.  Solve!

Yung iba no exact fare. Alangan maghulog sila ng buo. Ah ganun?  So kasalanan pa nila na wala kang barya?  Eh di kaibigan bago ka sumakay magpabarya ka!  Sabi nga ni Larry Gadon, "MGA BOBO!"

Yung iba nakakalimutan, thinking na may mangongolekta. Hanggang sa makababa na sila. Sa pagkakaalam ko pag akyat mo pa lang may nakalagay na "Pay Upon Entry" unless wala kang pinag-aralan o di ka nagbabasa pwedeng excuse yan.  Saka if wala naningil sayo aba eh di magtanong ka sa driver kung bakit wala naniningil.  BOBO!

different route, different fare. If ako si passenger, No uniformity if how much ko iccharge sarili ko, (iba parin pag tap card o conductor, unlike sa magrerely lang sa route fare). Last na pagkakaalam ko eh exact fare ito na Php20 kahit gaano ka man kalayo.  Nakasakay na kaya ito ng Green

Sabi pa nya, "Dont blame it to lack of honesty.  System needs more improvement."  Sa totoo lang mukhang kelangan ng improvement ng way of thinking ng mga taong ganito mag-isip.

So ano sa palagay nyo?  Are Filipinos dishonest or is this the fault of the bus company?


Related News:



Visit My Blogs:
Products Blog The Life Trends Online Magazine Otaku Cosplay PH  BizH2o

Follow me on:
Facebook Twitter: @shenbrood Instagram: shenbrood Tumblr Google+

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot

Pages