Walang masama na maging maingay. We should express how we feel as citizens of the Philippines. Be noisy for a cause. Be noisy for the right thing. Let us be Pinoise with common sense. Hindi na kami pagod kasi noisy na kami!

Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Tuesday, January 16, 2018

A Sad Story of Our Experience with a School for Senior High School

Naranasan mo na ba yung nagmumukha kang tanga o pinagmumukha kang tanga ng paaralan na pinag-aaralan ng mga anak mo?  Yan ang naging karanasan namin sa isang paaralan dito sa Velenzuela.  Nagreklamo kami para maiayos at mapaganda ang paaralan subalit ang naging sukli ay pagpapatalsik sa aking mga anak at pangigipit sa amin ng nasabing "kristiyano" raw na paaralan na ito.

Credit: Mindanao Times

INFINITE FEES?



Papayag ka ba na pumirma sa isang papel na nagsasabing magbabayad ka ng mga fees ng isang paaralan samantalang wala namang nakalagay kung magkano?  Paano kung P1,000,000.00 singilin nila eh di wala kang nagawa.

Ang dami sinisingil.  Mga kung anu-anong activities.  Tapos yung mga sinasabi na libre biglang may bayad na.  Gusto lang naman sana namin ay malaman kung magkano nga ba ang aming babayaran bilang mga magulang na nagpapatulo ng pawis para mapag-aral ang aming mga anak.

PAANO BA ITO NA APPROVE NG DEPED?


Nakakpagtaka kung paano na approve ng Department of Education ang permit ng nasabing paaralan na ito samantalang kulang sila sa facilities.  Nacheck po ba ninyo ang kakahayan nila na bigyan ng wastong edukasyon ang mga mag-aaral ng Senior High School.

Tila wala pa yatang Clinic at nurse ang paaralan na ito.  Paano na lamang po kung nagkaroon ng sakuna?  Sino po ang magbibigay ng first aid?

REVENGE... REVENGE... REVENGE


Gumawa ng petisyon ang mga mag-aaral para hilingin na maiayos ang paaralan at ganun din ang mga magulang.  Ano po ang naging sukli?  Hindi pagpapasok sa paaralan, pag ignore at pangigipit.  Ayaw ibigay ang mga requirements at card.

May nakapagsabi pa nga po na ang sabi raw eh wala raw magagawa ang Department of Education maging ang pamahalaan para ipasara sila sapagka't ayon daw sa batas ay independent sila.  Pag independent daw ay pwede na nila gawin ang lahat.

Nananawagan po ako na sana matigil na ang mga ganitong uri ng educational institution.  Kawawa po ang mga mag-aaral.  Kawawa ang mga gaya ng mga anak ko na nakaranas ng ganitong klase ng edukasyon.  No one deserves something like this!  This seems to be an insult to the educational system.

UPDATE - ANO NA ANG NANGYARI?

Sa tulong na rin ng Department of Education ng Valenzuela at ni Mayor Rex Gatchalian ay nakalipat ang aking mga anak sa Bignay National High School at nakatapos na may medalya at karangalan kahit 3 months lang sila duon.

Sa loob ng 3 buwan ay pinahirapan pa kami ng paaralang Kristiyano ng Valenzuela sa pagkuha ng Form 137 at Good Moral Character.  Pinagbayad kami ng tigh P500 para sa Form 137 at P100 sa Good Moral.  Nagbigay naman ng kopya pero may takip ang mga grades.

Sabi nga ng guro ng mga anak ko, "Sayang kung nakita lang namin agad ang mga grades ninyo sana napasama kayo sa honors."

Ang naging resulta:

  • Nasaraduhan sila para makapag enroll sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela
  • Hindi sila nakapag exam at inquire sa iba pang paaralan dahil sa kakulangan ng credentials.
  • Doble kayod sa pag-aaral dahil napilitan silang mag shift ng strand ng Senior High.

Nakakaawa rin ang isa pa nilang kasama sapagkat napilitan itong tumigil sa pag-aaral.

Alam ko na hindi lang kami ang nakaranas ng ganito at hindi lamang sa paaralan na ito.  Kung may mga karanasan din kayo comment lang at malay natin MAPANSIN NA TAYO NG DEPED.  Hinihiling ko sa ngalan ng hustisya na mapatigil na ang Senior High School sa paaralang ito.  Ano name ng school - Paaralang Kristiyano ng Valenzuela?


Visit My Blogs:
Products Blog The Life Trends Online Magazine Otaku Cosplay PH  BizH2o

Follow me on:
Facebook Twitter: @shenbrood Instagram: shenbrood Tumblr Google+

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot

Pages