Kailan Pa Ang Pagbabago?
Sa loob ng anim na buwan kapag hindi raw nawala ang kriminalidad etc. etc. ay magbibitiw na sa pwesto si Pangulong Rodrigo "Digong" Duterte. Lumipas ang mahigit anim na buwan at tila wala namang malinaw na pagbabago na naganap sa ating bayan. Sabagay mahigit 7,000 na ang namatay na mga di umano ay adik, dealer, pusher at iba pa. Halos isang milyon ang sumuko at nagsabing titigil na sa illegal na droga - malaking pagbabago. First time ito sa history ng ating bansa kaya saludo ako sa kaganapang ito.
Subalit asan na ang iba pang bagay o kahit man lang pasulyap na may pagbabagong magaganap. Lalong lumala ang traffic sa EDSA, madalas pa rin masira ang tren sa MRT... hmmm sabagay problema nga naman yan ng mga dating administrasyon pero di ba sinabi rin na babaguhin ito?
Bawal Magreklamo?
Bawal na nga bang magreklamo o hindi sumang-ayon sa aitng Pangulo? Magaling at malakas ang loob ni President Duterte at hanga ako sa kanyang kakayahan pero dapat bang hadlangan ang mga kumukontra o ayaw sumang ayun sa nais niya? Nakakatakot na bigla na lang inalis ang mga senador ng Liberal Party sa kanilang mga katungkulan pagkatapos ng hindi nila pagsuporta sa death penalty bill (Basahin ang balita mula sa Rappler). Tapos ang isang babaeng kagaya ni Sen. Leila de Lima ay naka detain na ngayon, may mga ebidensya at kakasuhan.
Ano ba ang nangyayari sa ating bayan? May pagbabago pa nga ba o change scamming na talaga ito? Ano ang iyong pananaw dito?
Ang mga BABAENG PAKAWALA ng mga DILAWAN na ginagamit para sirain ang ating Pangulong Duterte: Leni Robredo, Leila De Lima at Paulyn Ubial! Help spread the word para maprotekhan natin ang ating Pangulo at ang ating Bansa sa mga gustong sumira sa kanila!
ReplyDeleteDO NOT CONFIRM SEC. PAULYN UBIAL OF DOH! BABAGSAK TAYO SA MEDICAL SCENERY NATIN, KAWAWA ANG MAHIHIRAP NATING KABABAYAN DYAN KAY UBIAL!
https://www.facebook.com/BosesNgMasa/photos/a.150006545207348.1073741826.150003915207611/613668385507826/?type=3&theater
https://banatpilipinas.wordpress.com/
www.DOHleaks.tk
#DOHLeaks #UBIALeaks