Patuloy ang paghlilingkod ng mga SM Malls sa Bulacan para sa kapakanan ng kultura at ng mamamayan. Kamakailan lamang halos 500 kabataang Bulakenyo ang nakatuklas ng kasiyahan sa pagbabasa. Ito ay dahil sa programang ginawa ng SM Marilao, SM Baliwag at SM San Jose Del Monte para sa "National Children’s Book Reading Day"
Ang mini playschoo ng SM San Jose del Monte kasama ang Grade 3 students ng San Manuel Elementary School |
“It is SM Supermalls’ advocacy to become a venue for learning for our young customers” ang sabi ni SM City Marilao Assistant Mall Manager Drev Fiesta.
Pinamunuan ng SM Cares sa pamamagitan ng SM Committee on Youth and Children’s welfare ang pagdiriwang ng "National Children’s Book Reading Day". Itinampok sa pagdiriwang ang tatlong aklat mula sa Vibal Publishing, Inc. Sa pamamagitan ng mga larawan at kwentong mala Lola Basyang ay naipamalas sa mga bata ang saya ng pagbabasa.
Kasama sa mga nakisalamuha sa story telling ang mga Mayor na nakakasakop sa mall at ang teen actress na si Katrina Legaspi. Tuwang-tuwa ang mga kabataan na nasa edad 8 hanggang 12.
Masayang sumagot ng mga tanong ang mga mag-aaral ng San Manuel Elementary School. |
![]() |
4 Honorable Baliwag Mayor Ferdie Estrella explains the importance of reading books during the National Children’s Book reading Day event at SM City Baliwag. |
“Ang sabi ni Nanay, Ang Sabi ni Tatay”, na isa sa mga librong tampo sa pagdiriwang ay tungkol sa mga balakid na kinakaharap ngayon ng kabataan at kung paano mararating ang iyong pangarap.
Isa pang libro ang “Binibining Bettina Bote” ay nagtuturo naman tungkol sa recycling.
Pinatingkad naman ng isang character role playing ang pagbabasa ng akda ni Beverly Siy na "Marne Marino."
Namigay din ang mga SM Malls sa Bulacan ng mga freebies, loot bags, at mga librong pambata mula sa Vibal Publishing Inc.
Nagkaroon din ng turnover sa Department of Education ng mga nakolektang libro at iba pang babasahin mula sa isinagawang "book donation drive." Ang mga nakolektang libro ay ipapamahagi sa iba't-ibang public school at aklatang pambarangay.
Happy bookworms raise their new story books from Vibal Publishing Inc. at SM City Marilao |
Isinasagawa ng SM Malls ang pagdiriwang ng National Children’s Book Reading Day (NCBRD) tuwing ika-3 Martes ng Hulyo. Ito ay bilang paggunita sa lathalang aklat ni Jose Rizal na "Ang Pagong at Ang Matsing."
Nakiisa sa proyektong ito ang Vibal Publishing, Inc., National Book Store, Department of Education, UNICEF, at SM Supermalls. Layunin ng taunang programa na maengganyo ang mga kabataang Filipino na magbasa lalo na ng mga librong may aral at may kinalaman sa kultura at mabuting asal.
Visit My Blogs:
No comments:
Post a Comment