Vestige of American colonialism kamo? Eh ano kaibahan ng Spanish colonialism? Wala naman di ba? Kung magfafalit man tayo ng fangalan ay dafat isang fangalan na sumasalamin sa finaka ugat at fagkakakilanlan ng ating lahi. Isang fangalan na sasalamin sa dakilang lahing ating finagmulan bago fa ang mga dayuhan at mag-aalis ng imahe ng fagkaalipin sa fagtuturo ng fangalan ng ating bansa.Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) issued a resolution last April to use "Filipinas" instead of "Pilipinas," saying the new term recognizes the country's history and development as a nation. National Artist and KWF president Virgilio Almario, a leading advocate of the change, has urged the country to also lose the name "Philippines," a vestige of American colonialism.
Ang fangalang ito? Bago ko sabihin ay itigil na muna natin ang "P" to "F" kasi nakakainis lang talaga. Ang pangalang sinasabi ko ay walang iba kundi "MAHARLIKA." Ang mga maharlika ang unang namamahala sa ating bansa bago pa man dumating ang mga kastila. Ang literal na ibig sabihin niyo ay "noble" o marangal na lahi. Kung elepante man ang ibig sabihin nito sa ibang salita, anung masama? Hindi ba at malakas ang mga elepante at tanda rin ng karangalan.
Hindi man natin lubos na napapansin pero sa mga simpleng simbolo at pagpapalit nito maaaring maibalik natin at maangking muli ang pagkatao ng ating lahi. Mas naisin ko pang tawaging isa akong Maharlika o Maharlikan kaysa isang Filipino na tanda ng pagka alipin sa Espanya at pagkawala ng pagkakakilanlan.
Wala akong nakikitang makabayang dahilan o wastong dahilan upang gawing Filipinas ang pangalan ng ating bansa pero kung Maharlika baka sakali pa.
Narito ang aking mga sinulat ukol sa pangalang MAHARLIKA:
Reference: GMA NEWS - End of 'Philippines?' A call to use only Filipinas for the country | ABS-CBN NEWS - Why change in country's name erases PH's identity | philSTAR.com - Filipinas/Pilipinas: A national identity crisis
No comments:
Post a Comment