“For all peace & freedom-loving peoples of the world & the oppressed Bangsamoros/Salam (Peace). For the sake of peace and egalitarian democracy, H.E. Prof. Nur P. Misuari, president of the BM (Bangsamoro) Republic & cmdr (commander-in-chief) the BAF (Bangsamoro Armed Forces), has declared the independence of the Bangsamoro Republik in Daira Lampaya, Talipao, Autonomous Federated State of Lupah Sug (Sulu) yesterday, Aug. 12, 2013, in line with the UN (United Nations) General Assembly Resolution of 1960 granting independence to all colonized countries in the world. To realize this sacred & noble aspiration & and goal, we will continue to strive thru peaceful and legal means. Now, we are a sovereign nation under the colonial occupation of President Pinoy’s (Benigno S. Aquino III).”
Hindi ba't isang malaking kahangalan ang lahat ng ito? Hindi ba pwedeng magkasundo ang lahat ng panig alang-alang sa mga inosenteng sibilyan na nadadamay? Hindi ba pwedeng maging mapayapa gaya na lang ng sinasabing, "Islam is a religion of peace"? Asan ang kapayapaan sa mga pangyayaring ito? Asan ang kapayapaan sa patuloy nag pag agitate sa sitwasyon? Asan ang pinagaralan ng isang Prof. Nur Misuari?'
Hindi ko sinasabing ako ang pinakamatalino at ako ang pinakatama pero kung ang isang tao ay may binhi ng kapoayapaan at pagmamahal sa kanyang kapwa nilalang hindi ba mas magandang isantabi ang pag-iimbot o pride at buksan ang isipan tungo sa kapayapaan.
`Iyad bin Himar (May Allah be pleased with him) reported: Messenger of Allah (peace be upon him) said, "Allah has revealed to me that you should humble yourselves to one another. One should neither hold himself above another nor transgress against another.'' [Muslim].
Pilit na itinataas ni Prof. Nur Misuari ang kanyang sarili bilang pinakamagaling at pinaka may-alam ng lahat. Siya lang ba ang dapat mamumo sa Bangsamoro? Hindi ba mas marangal at kahanga-hanga ang ginawa ng MILF na kung saan ay sumunod sila sa proses, nagpakumbaba at hinayaan ang mga taong masasakupan na magdesisyon?
Iyad bin Himar (May Allah be pleased with him) said: The Messenger of Allah (peace be upon him) said, "Verily, Allah has revealed to me that you should adopt humility. So that no one may wrong another and no one may be disdainful and haughty towards another.'' [Muslim].
Ano ang tunay na dahilan sa kilos na ito ni Prof. Nur Misuari?
Misuari’s declaration covers the entire Mindanao, including Palawan, and Sabah. Davao City was announced as the Republik’s temporary capital as a permanent one has to be determined in consultations, said Misuari, former governor of the Autonomous Region of Muslim Mindanao. - Manila Bulletin
Pati Sabah at buong MIndanao at pati na rin Palawan ay isinama ni Misuari sa kanyang Bangsamoro Republic ng walang pagkonsulta sa mga taong naririto. Ano ba sa palagay nya ang mga taong ito? Ito ba ay mga aliping basta na lang susunod sa kanya? Hindi ko lubos maisip na ang isang tulad niya ay gagawa ng isang napaka desperadong hakbang na ganito na malinaw ang dahilan... pagkamakasarili at pagseure sa kanyang pansariling ambisyon at reputasyon.
Ito ang isang interview kay Pro. Nur Misuari ni Jessica Soho noong pirmahan ang Bangsamoro Framework Agreement.
Sa huli ang kaawa-awa ang ang mga tunay na naghahangad ng kapayapaan at ang mga naninirahan sa Mindanao. Bakit kailangang patuloy na maging ganito ang kapalaran ng mga Muslim sa Minanao? Sapat na ang napakatagal na pang aabuso sa kanila at ito naman ay dapat panahon na ng pagkakaintindihan at pagtama sa kanilang tunay na kinalalagyan sa kasaysayan. Iba na ang panahon at bukas palad na ang bawat isa upang yakapin ang kanyang kapatid sa bansang ito, Muslim man o Kristiyano. Huwag na nating gayahin ang Egypt na kung saan dumadanak ng dugo para lamang mapagtagumpayan ang ipinaglalaban. Ang tunay na daan ay daan ng kapayapaan at pagkakaintindihan.
Prof. Nur Misuari at sa mga kalaban ng tunay na kapayapaan sana huwag na nating patuloy na pairalin ang kasakiman at karumal-dumal na kasaysayan na nalahatd sa librong, 'Bangsamoro: A Nation in Endless Tyranny.'
Para sa ikalilinaw pa rin ng mga mambabasa, ANO NGA BA ANG BANGSAMORO FRAMEWORK AGREEMENT?
si misuari pinanganak yan sa sulu, pero noong election kailan lang onting tao lang ang bumoto sa kanya! Miski sa sulu!
ReplyDeleteAng tanong ay bakit?
ReplyDelete