
Sa isang banda totoong hindi naman talaga gamot ang mga ito pero ang sabihing hindi ito nakagagaling ay kasinungalingan. Hindi ito gamot kung ang pagbabasihan ay ang depinisyon ng gamot na lahat ay synthetic at gawa sa laboratoryo sa pamamagitan ng mga kemikal. Nakakapagpagaling ang mga synthetic medicines na ito pero may mga side effects ang lahat ng mga ito.
Ang herbal medicines, organic medicines at food supplements ay nakakapagprotekta para hindi tayo magkasakit. Sabi nga "an ounce of protection is better than a liter of cure". Isa pa, bago pa dumating ang sangkatutak na synthetic na gamot hindi ba at sa mga herbal na gamot tayo umasa. Ang DOH mismo ang nagpalaganap ng kampanya para magtanim ng mga halamang gamot sa bawat pampublikong paaralan sa bansa.
Magkano ba ang binayad kay Sec. Cabral para gawin ito? Dapat maliwanagan ng tao na ang kalikasan ay sadyang may mga gamot para sa ating mga karamdaman. Pag may ubo, mag oregano, pag may sugat maglangas ng bayabas. Ang mga tulad ng malunggay, papaya, ampalaya, mangostin, moringa at iba pa ay may mga natural na enzyme na nakakatulong sa ating katawan. Huwag nating payagan na magtagumpay ang mga malalaking kompanya ng synthetic na gamot na patuloy na magpayaman at bulagin tayo sa maling paniniwala.
No comments:
Post a Comment