Ang tanong, papaano nangyari na nakakuha siya ng ganoon kalaking boto? Marami bang Filipino ang walang mapiling presidente at basta na lang nila pinili si Acosta?
Sa aking palagay ay malaki ang dapat ipagpaliwanag ng COMELEC sa isyu tungkol sa mga botong napunta kay Vetallano Acosta. Mayroong mga dahilan na nasa aking isipan kung bakit nangyari ito.
1. Kapag wala kang binotong presidente ay automatic na kay Acosta napupunta ang boto;
2. Inakala ng ilan na number 1 sa balota si Noynoy Aquino kaya nashadan nila ang number 1 at napunta ang boto kay Acosta;
3. Talagang may mga supporter na si Acosta dati pa at ito ang bumoto sa kanya.
Sa tatlong naiisip ko mas posible ang 1 at 2 kaysa sa number 3.
Kahit anong lohika ang gamitin ay imposible na mas marami pa ang makukuhang boto ni Acosta kaysa sa tatlo pang kandidato.
Malaki pa ang dapat maging improvement sa ating automated elections at isa na rito ang mga hindi maipaliwanag na botong nakukuha ng ibang kandidato.
No comments:
Post a Comment