Natalo sina Fr. Ed Panlilio sa Pampanga kay Lilia Pineda at ganun din ang naging kapalaran ni Grace Padaca sa kanyang kalaban na si Faustino Dy III.
Matatandaan din na bago ang eleksyon ay parehong natanggal sa pwesto sina Padaca at Panlilio at sinabi na hindi sila ang tunay na mga nanalo noong 2004 eleksyon. Sa pamamagitan pa lamang nito ay tila binigyan ng alinlangan ang tao sa mga panalo ng dalawang alternatibong kandidato.
Sa Pampanga na lang tinambakan ng kilalang jueteng lord na si Lilia Pineda si Among Ed Panlilio. Nakakuha si Pineda ng 488,521 na boto o 65.98% kumpara sa 242,367 o 32.74% na boto ni Panlilio. Sa termino ni Panlilio halos natriple ang kinikita ng Pampanga mula sa mga lahar na galing dito at napalapit sa tao ang pamahalaan. Yun nga lang maraming illegal ang hindi na pwede kaya siguro marami din ang umayaw kay Among Ed.
Sa Isabela naman tinalo ni Faustino Dy III ng halos 5,000 na boto si Grace Padaca. Nakatanggap si Dy ng 277,572 laban kay Padaca na 271,319. Sa termini ni Padaca naging malinis ang pamamahala at nabigyan ng dangal ang lalawigan ng Isabela. Isa mang paralitiko ay napatunayan ni Padaca na hindi ito hadlang para maging isang pinuno.
Sa Saranggani naman nanalo si Manny Pacquiao bilang kongresista. Anu ba naman ang alam ni Manny sa paggawa ng batas... sabagay trapo din naman ang kalaban niya kaya wala talagang pagpipilian.
Sa Senado naman hindi nabigyan ng puwang ang mga bagong dugo. Pinagsaraduhan ng pinto ang mga bago at sana'y magagaling na senador na tulad nina Risa Hontiveros, Neric Acosta, Sonia Roco, Danny Lim, Alex Lacson, Liza Masa, Satur Ocampo at iba pa.
Ang mga nanalo sa senado ay mga reeleksyonista, artista at mga lumang pulitiko. Hindi rin nakakatuwa na mga anak at kapatid na lamang ang nauupo sa senado.
Tinalo rin ang mga kandidatong mas may plataporma at mas bago sa pagka-Pangulo. Hindi man lang nabigyan ng magandang boto o mahalagang suporta ang mga kandidatong tulad ni Nicanor Perlas, Richard Gordon at Bro. Eddie Villaneueva.
Halos mga incumbent at lumang pulitiko ang nanalo sa halalang ito. Halos lahat din ng kandidato ay hindi sumunod sa karamihan sa mga batas ng COMELEC lalo na sa election posters.
Kailan ba talaga magkakaroon ng puwang ang bagong pulitika at ang mga tunay na kandidato ng bayan upang makapaglingkod sa ating bayan? Sana malapit na.
Padaca is TRAPO by definition and virtue; a nepotist.
ReplyDeletePaano mo naman nasabi na TRAPO si Grace Padaca? Sige nga patunayan mo!
ReplyDeletePadaca appointed many relatives during her term. overthrowing pol. dynasties only to be a nepotist yourself, the differences are technical, least to say.
ReplyDeleteits new politics all the way or trapo just the same. she does not by any stretch represent new politics.
That is indeed sad to hear if that is true. I hope that you can name names so that we can publish it as well. Thanks!
ReplyDeletewill do. can tell you know her brother is one of them. will send you a list. thanks for the vigilance, Dave
ReplyDeleteYou can email it at shenbrood16@gmail.com
ReplyDelete