Ito ang simpleng sigaw sa tangka ng administrasyon na tila takutin ang taumbayan sa nagaambang pagpapanatili sa pwesto ni Gng. Arroyo. Kung tunay na nais ni Gloria ng maayos na pagpapalit ng namumuno bakit kailangan pang sabihin ni Charito Planas ang tungkol sa posibilidad ng isang Military Junta? (Related news click here)
Ganito na ba kaganid sa kapangyarihan ang pekang Pangulo na si Gloria Arroyo? Takot ba siya na mabuko ng taumbayan ang kanyang malawakang pandarambong?
Huwag nating hayaan na lokohin tayo ng gobyernong matagal nang nagpapahirap sa atin. Maging mapagmatyag tayo at maging matatag upang mapigilan ang anumang tangka.
TAMA NA SA PAMBABASTOS SA MAMAYANG FILIPINO!
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |
No comments:
Post a Comment