Hindi ko kasama ang mga anak ko dahil yung 2 ko anak ay kasama ng ex-wife ko tapos yung panganay ko naman ay nagpasko sa kanyang lola. Kami naman ni Mei ay nanuod ng sine sa SM City Baliwag.
Napakahaba ng pila sa pelikula ni Vic Sotto na "Ang Darling Kong Aswang" kaya pinanuod na lamang namin ang comdey film ni Dolphy na "Nobody, Nobody But Juan." Maganda naman ang pelikula dahil hindi lang ito nakakatawa kundi nakakaiyak pa at may malalim na moral lesson. Kabilang na sa moral lesson dito ang pagmamahal sa mga nakatatanda at ang pagpapatawad.
Napakarami rin ng mga tao sa mga malls. Sa SM City Baliwag na nga lamang ay halos hindi na mahulugang karayon ang mall. Pati ang kanilang foodcourt ay punong-puno. Ang dami rin ng namimili ng mga laruan at damit.
Ang mga bata naman ay nagpupunta sa kanilang mga ninong at ninang upang humingi ng mga aginaldo at syempre andyan ang mga ninong at ninang na kuripot na walang ginawa kundi pagtaguan ang kanilang mga inaanak sa Pasko.
Marami rin ang nangangaroling at syempre marami ang sumimba upang humingi ng biyaya sa Panginoon at magpasalamat na rin. Kasama sa Paskong Pinoy ang 9 na araw ng Simbang Gabi na nagsisimula sa ika-16 ng Disyembre at natatapos sa ika-24 ng Disyembre. Posible raw na maibigay sayo ang hinihiling mo kapag nakumpleto mo ang buong Simbang Gabi.
Syempre hindi mawawala riyan ang mga magsing-irog na nagsisimbang gabi hindi lamang para magsimba kundi para makapiling na rin ang isa't-isa. Marami rin ang hindi naman talaga nagsisimba kundi nagdadate lamang.
Siyempre hindi kumpleto ang Paskong Pinoy kung wala ang Bibingka at Puto Bumbong. I hope naman na nakatikim kayo ngayong Pasko at kung hindi pa ay wag ninyong kakalimutang tumikim. Dito sa BAliwag ay sadyang napakasarap ng Bibingka nina Ka Resty na palagi pang may kasamang Salabat.
Ang isa sa pinakamahagala sa Paskong Pinoy ay ang pagsasama-sama ng pamilya sa Noche Buena at sa Araw ng Pasko. Wala man daw pera basta't sama-sama ang pamilya ay ayos na. Sayang nga lang kasi sa akin ay hindi ko iyon magawa pero ang mahalaga ay mahal namin ang bawa't isa.
Sana po ay naging makabuluhan ang inyong Pasko ngayong 2009.
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |
徵信社,尋人,偵探,偵探社,徵才,私家偵探,徵信,徵信社,徵信公司,抓猴,出軌,背叛,婚姻,劈腿,感情,第三者,婚外情,一夜情,小老婆,外遇,市場調查,公平交易法,抓姦,債務,債務協商,應收帳款,詐欺,離婚,監護權,法律諮詢,法律常識,離婚諮詢,錄音,找人,追蹤器,GPS,徵信,徵信公司,尋人,抓姦,外遇,徵信,徵信社,徵信公司,尋人,抓姦,外遇,徵信,徵信社,徵信公司,尋人,抓姦,外遇,徵信,徵信社,徵信公司,尋人,抓姦,外遇,徵信社
ReplyDelete