Nananawagan din ako na suportahan natin ang kanyang kandidatura. Mayroon siyang Fund Raising show with Bayang Barrios sa Conspiracy Cafe sa Visayas Ave. sa December 18. P500 lang ang ticket at nakatulong pa tayo sa Kalikasan. Pero sino nga ba si Fr. Larry?
Malalim ang pananaw ni Fr. Larry sa kalikasan at sa koneksyon nito sa buhay ng mamamayan. Isa siya sa nagtatag ng Zambales Green Movement at gumawa ng disenyo para sa tinatawag na Eco-Villages.
Layunin ng mga Eco-Villages ang magsagawa ng malawakang pagtatanim ng puno para pigilan ang Global Warming, maghanda ng mga "evacuation sites" para sa mga kalamidad sangin ng pagbaga, at magtayo ng mga sentro para sa gawaing pangkalikasan tungo sa pag adapt sa Climate Change.
Ang forest farm ng mag-asawang Larry at Vernica ang nagsilbing patunay na kayang gawin ang "food self-sufficiency", "systemic reforestration" at "green industry initiative"
Ilan lamang yan sa mga nagawa ni Fr. Larry. Para sa higit pang kaalaman pumunta sa link na ito http://pangan4zambalesgov.multiply.com/
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |
No comments:
Post a Comment