Nanawagan din si Ramos na panahon na upang bigyan ng tunay na pagkalinga ang ating kalikasan sapagkat maaaring lumala pa ang mga insidenteng nakita natin sa mga Bagyong Ondoy at Bagyong Pepeng.
Tinukoy nya na dapat "sustainable development" ang isa sa maging basehan ng pagpili sa mga kandidato sa 2010. Anu nga ba ang mga plano nila upang maiangat ang ating bayan hindi lamang panandalian kundi pangmatagalan at kasabay nito ay mapanatili ang ating mga likas na yaman.
Pinakita naman ni Jose Ma. Lorenzo “Lori” Tan, ng World Wide Fund for Nature-Philippines ang "scenario" kung sakaling tataas ang tubig ng mag 12-metro. Sa "scenario" na ito magiging lubog sa baha ang mga siyudad tulad ng Laoag, Davao, Aparri, Pagadian, Zamboanga, Cebu, Tacloban kasama na ang higit sa kalahati ng Merto Manila. Ang paglaki naman ng Manila Bay ay malaki rin ang magiging epekto sa pagbaha sa Central Luzon.
Sinabi pa rin nya na kung magpapatuloy ito ang mismong Boracay ay mahahati sa dalawa at tuluyang lulubog at mawawala ang Caticlan.
Tinatayang may isang bilyong tao sa buong mundo sa darating na 40-50 taon ang mapipilitang lumikas kung lalala pa ang epekto ng Climate Change. Sa bilang na ito tinatayang 400 milyon ang mula sa Asya at may 15 milyon dito ang mula sa Pilipinas.
Sino nga ba ang kwalipikado na "green president"? Makakalikasan at ipinaglaban na ang ating kalikasan at ang sustainable development noon pa man?
Iisa lamang ang sagot sa kung sino? Kaya KaPERLAS ka na ba? Kung hindi ba sumama na para sa isang green Philippines - www.nicanorperlas.org.
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |
No comments:
Post a Comment