Tinatanong ng SWS ang mga respondent kung sino ang naiisip nila na tatlong pinakadapat pumalit kay Pangulong Arroyo. Sa tanong na ito memorya at name recall ang nakataya at hindi ang kanilang plataporma o kakayahan. Kaya nangunguna si Noynoy ay simple lamang sapagka't pinakamadaling tandaan ang kanyang apelyido dahil kina Cory at Ninoy.
Inisip ba ng mga sinurvey kung ano ang gagawin ni Noynoy o ni Villa o ni Chiz kapag nanalo? Hindi. Ang pinagbasehan nila ay ang mga nakikita nila sa TV at ang kasikatan ng mga ito.
Hindi ako kumokontra sa pagkandidato ni Noynoy at ng iba pa at alam ko naman na alam ninyo kung sino ang sinusuportahan kong kandidato. Nais ko lang sagutin din ang dahilan kung bakit wala raw ang pangalan ni Nicanor Perlas sa mga survey. Bakit nga ba?
1. Hindi pa kilala ng karamihan ng mamamayan si Nick Perlas
2. Hindi alam ng karamihan na tatakbo siya at kung ano ang kanyang plataposma.
3. Walang TV Ads o Radio Ads siya para makita ng tao.
4. Dahil sa "popularity syndrome" ang mga news organizations ay hindi rin malimit siya macover.
At dahil dito marami ang hindi nakakaalam na may isang kandidato tulad ni Nick Perlas. Kung sana ang mga survey na ito ay magbibigay ng listahan ng mga tao na tatakbong Presidente at magbibigay man lang ng kahit isang pahinang plataporma at kwalipikasyon nila baka maiba ang resulta ng mga survey.
Bakit maiiba? Dahil sa pagkakataong ito ay bibigyan mo ng pagkakataon ang mga tinatanong na mag-isip ng mas malalim. Binibigyan mo sila ng pagkakataon na ibase ang pagpili hindi lamang sa taong kanilang natatandaan kundi sa mas malalim nilang paghahangad at pangarap bilang isang Pilipino.
Sana sa 2010 ay dignidad at plataporma ang ating pagbasehan at hindi lamang ang mga survey. Sana ang mga survey ay mas maging malalim pa ang basehan at pamamaraan upang matulungan din nilang magdesisyon ng mas malalim ang bawat isa.
Kung hindi tayo magiisip ng mas malalim at mas malawak ay delikado ang ating bayan. Ano ba ang gagawin ng mga kumakandidatong ito? Ano ba ang background nila? Sila ba ay developer ng mga subdivision o kaya ay may-ari ng logging companies na dahilan ng pagkawasak ng kalikasan? Sila ba ay naging maganda at mabunga ang paglilingkod bilang isang kinatawan sa pamahalaan o siya ba ay natutulog lamang sa pansitan?
Kailangan natin ng tunay na maglilingkod sa ating bayan. Kailangan natin ng isang tao na handang makikig sa atin. Hindi natin kailangan ng isang pangulo na sikat lamang o popular sapagkat hindi naman ito beauty contest.
Hindi basehan ang survey ng kakayahan at iyan po ay maliwanag.
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |
Bro. EDDIE Villanueva kami..
ReplyDeleteBakit nga naman paniniwalaan ang surveys?
ReplyDeleteBasahin ito:
This group hasn't caught the yellow fever.
http://bit.ly/3cR8NC
Hype Around Noynoy’s “Honesty” Just A Marketing Gimmick
http://bit.ly/4bs4M6
Sana magsama-sama na lang sina Perlas, Villanueva at Delos Reyes. Alam ko I have bias for Perlas but with all honesty his 40 years of public service and track record will speak for itself. Ang kakayahan nyang makinig sa ibang tao ay ang kakayahan na kailangan ng ating bansa ngayon.
ReplyDeleteMagkaisa tayo... magsama-sama para sa kalikasan at sa isang marangal na bansa.
Perlas-Villanueva-Delos Reyes isang bansang marangal para sa bawat Pilipino.
Bro. Eddie Villanueva is the best candidate of all
ReplyDeleteBro. Eddie Villanueva is the best candidate of all
ReplyDeleteBro. Eddie Villanueva is the best candidate of all
ReplyDeleteBro. Eddie Villanueva is the best candidate of all
ReplyDeleteI beg to disagree... based on platforms that I have read Nick Perlas if elected president can make real change and real people empowerment... Eddie Villanueva is like Nicky a servant leader.
ReplyDeletegibo kmi
ReplyDelete