Nagwewelga na ang mga residente ng Maguyam, Silang Cavite laban sa pabrikang Clean Way na tila hindi malinis ang ginagawang trabaho. Ayon sa mga nagwewelga sumisingaw ang nakakasulasok na amoy mula sa pabrika at nagdadala ito ng sakit sa mga residente.
Tikom din ang mga bibig at pagkilos ng mga pulitiko at ultimong ang munisipyo raw ay hindi nagbibigay ng permit sa mga nagwewelgang residente. Sa mga susunod na araw ay ialng ekspert sa Unibersidad ng Pilipinas ang pupunta sa pabrika upang alamin ang problema at sana ay masolusyunan na.
Isang mapagkakatiwalaang source ang nagsabing isa sa maugong na dahilan sa tatag ng pabrika at lakas sa pamahalaan ay dahil raw pag-aari ito ni Congressman Mikee Arroyo.
Isang panawagan sa mga kinauukulan na sana ay mabigyan na ng solusyon ang problemang ito.
Base na rin sa mga nakarating sa ating masasabing isang walang habas sa pagyurak sa kalikasan at sa kapakanan ng tao ang nangyayaring ito. Kawawa naman at sana ay matulungan ang mga apektadong residente.
HOY GISING!
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |
No comments:
Post a Comment