Hindi kataka-taka na hindi handa ang pamahalaan sa mga sakuna at kalamidad tulad na lamang ng nangyari sa Bagyong Ondoy. bagama't sinasabi na hindi ito ang panahon para magsisihan ay marapat na sabihin na tila yata hindi ginagastos ng pamahalaan ang mga nakalaang pera sa dapat nitong paglaanan.
Kahapon na lamang ay kakatwa na ang tinatawag na "amphibious vehicle" kuno ng AFP ay hindi pala pwedeng sumuong sa napakalalim na baha dahil sira ang propeller nito. Kinailangan pa ring magpahiran ng mga helicopter ng ibang nasa pribadong sektor sapagkat tila yata kulang din ang mga kinauukulan sa mga kagamitang ganito.
Ayon din sa COA report at kay Rep. Guingona sumobra ng may kabuuang 1.6 bilyong piso ang gastos ni Pangyulong Arroyo para sa pagbiyahe nito mula 2003 hanggang 2007. Mayroon lamang nakalaan na P1.1 bilyon para dito sa budget subalit gumastos siya ng kabuuang P2.7 bilyon.
Habang patuloy na naghihirap ang ating bansa, habang maraming mamamayan ang nagsasakripisyo lalo na sa mga panahong may kalamidad ay patuloy namang ginamit ni Pangulong Arroyo at ng mga kasamahan nito ang pera ng taumbayan sa mga paggastos na hindi naman dapat pinagkagastusan.
May isa pang report diumano mula kay Mayor Jejomar Binay na ang konsulado ng Pilipinas sa New York ang tunay na magbabayad ng mga kinain ng pangulo at ng mga kasama nito sa Le Cirque Dinner.
Kawawa naman tayo. Nabaha na nga at nawalan ng mga tirahan at kagamitan patuloy naman tayong niloloko ng mga nasa puwesto.
Pagbabago at Bagong Pulitiko at Pulitika Na!
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |
No comments:
Post a Comment