Hindi ko tinatawaran ang kakayahan o ang resulta na nangunguna si Noynoy pero ang dapat sana ay isinama maging ang iba pang kumakandidato tulad nina Bro. Eddie, Nick Perlas, Gilbert Teodoro at Bayani Fernando.
Ang mga resulta ng ganitong survey ay nagbibigay ng maling kaisipan sa ating mga botante. Aakalain ng ilan na wala nang iba pang kumakandidato maliban sa mga nakalista at aakalain nila na ang mga ito lang ang talagang seryoso at mananalo.
Para sa akin ay may standard dapat na sundin o patakaran ang mga ganitong survey lalo pa at kinabukasan ng ating bayan ang nakasalalay. Kahit sino pa ang magpasurvey dapat ay kasama ang lahat ng kumakandidato o kakandidato ng sa gayon ay hindi naman mabigyan ng maling impormasyon ang ating mga kababayan.
Huwag po tayong umasa lang sa mga survey kung sino ang ating iboboto kundi pumili tayo ng naaayon sa ating konsensya at para na rin sa ating bayan.
Gising Bayan!
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |
help us spread the word. let us put our support to sen. noynoy aquino by adding to this online signature campaign http://www.supportnoynoy.org let us show to the whole world that once again, the filipinos can be united not only in edsa but also in the internet.
ReplyDeleteWhat we need is not unity behind a candidate but unity behond something that we will build together. Personally I am not endorsing nor supporting Sen. Noynoy Aquino... I have my eyes set on Nicanor Perlas. By far he is the only candidate with a complete platform of change for our country which will mean a better Philippines.
ReplyDelete