
Sa pagkamatay na ito ni Ka Erdy at papalitan siya ng kanyang anak na si Eduardo V. Manalo.
Nang mamatay noong ang matandang Manalo, na si Felix Manalo ay inakalang babagsak na ang INC subalit dahil sa pagsusumikap, at katatagan ni Ka Erdy bilang Executive Minister ng Iglesia ni Cristo ay lalo itong naging matatag at nagkaroon pa ng mga sangay sa ibang bansa. Sinimulan niyang pamunuan ang INC noong 1963. Tumayo rin siyang General Treasurer at District Minister ng Maynila.
Sa katatagan nga ng INC ay palagi itong hinihingan ng basbas ng mga kumakandidato sa lokal at sa nasyonal. Bagama't di hamak na mas marami ang mga Katoliko ay napapanatili naman ng INC ang 80% - 90% na solidong boto ng kanilang mga mananampalataya sa kandidatong kanilang sinusuportahan. Bukod pa dito ang paniniwala ng mga mamamayan na tiyak ang panalo ng mga ito.
Bagama't ang paniniwala ko ay hindi dapat nageendorso ng mga kandidato ang mga relihiyon at dapat ay hindi pinag-aawayan ang pananampalataya ay nais kong magpasalamat sa naging kontribusyon ni Ka Erdy at ng Iglesia Ni Cristo sa ating bansa.
Maraming Salamat Ka Erdy at Pagpupugay sa Iyo!
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |
No comments:
Post a Comment