Noong pagkatapos ko ng kolehiyo ay alam pa namin na ito ang ating wika pero ngayon palaging nalalagay sa resume kapag tinanong na ang, "Languages Spoken" nakalagay lagi ay Tagalog at ang nationality na lang ang nilalagay na Filipino. Ang alam ko nga dapat ay Pilipino ito at hindi Filipino.
Isa pa siguro sa dahilan kung bakit nahihirapan tayong matuto ng Ingles na dati ay hindi naman ganun kabigat ay sa dahilang halos lahat ng palabas sa telebisyon ngayon ay Tagalized na. Dati noon talagang matututo ka dahil pag anime o cartoon e English ang sinasalita. Saka di pa noon puro teleserye na todo-todo ang drama kasi may mga galo pang U.S. series tulad ng Beverly Hills 90210, Doogie Howser M.D., McGyver at iba pa.
Kaya nga lubos ako na humanga kay Erap noon sapagkat siya lamang ang nagpauso ng pagsasalita sa wikang Filipino at ito rin ang kanyang ginamit sa kanyang talumpati ng maupo bilang Pangulo. Yun nga lang natanggal sya sa pwesto dahil na rin sa pinagkaisahan siya ng kanyang mga dating kasamahan.
Ang pagmamahal din sa ating bansa at sa wika ang dahilan kung bakit naniniwala ako kay Nick Perlas. Si Nick Perlas lang sa mga kumakandidato ang nagbabalak pagandahin ang ating Edukasyon sa isang paraan na hindi gaya ng karaniwan. Pagbabago na gagamit ng multi-lingual na paraan at magpapalabas ng iba't-ibang kagalingan ng mamamayan (multiple intelligence approach in education).
Narito po ang ilang mga karatula na talaga namang salang-sala ang grammar at spelling.
Kayo na po ang bahalang humusga. Nakakatawa pero nakakatakot din.
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |
No comments:
Post a Comment