Walang masama na maging maingay. We should express how we feel as citizens of the Philippines. Be noisy for a cause. Be noisy for the right thing. Let us be Pinoise with common sense. Hindi na kami pagod kasi noisy na kami!

Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Wednesday, August 5, 2009

Tula Alay kay Pangulong Cory: Paalam Aming Tita Cory

Noong high school at college ako ay madalas akong sumulat ng tula. Tila nakalimutan ko nga nga yata kung papaano. Pero sa pagkamatay ng isang taong tulad ni Cory Aquino ay muli kong naisipang gawin ito.

Di ko mapigilang lumuha habang nakikinig sa kantang Magkaisa at Handog ng Pilipino sa Mundo habang sinusulat ko ang tulang ito.

Paalam Aming Tita Cory
orihinal na tula ni Shen para kay Cory

Lumuluha habang nagsusulat
Sa di maipaliwanag na dahilan
Pinipigil man ang maungkat
Masakit na katotohanan ang laan

Patay ka na nga o aming Ina
Ina ng Demokrasya ng Bayang Pilipinas
Pagmulat sa amin ang pamana
Pagmamahal mo sa amin ay tunay na wagas

Mula sa simpleng buhay
Tinahak mo ang buhay ng buong tatag
Nanindigan ka para sa aming buhay
Upang kami rin ay maging matatag

Ang iyong inspirasyon aming dadalhin
Habang ang bansang ito ay lumalaban
Ang iyong ala-ala aming mamahalin
Habang kami ay patuloy na sumasagwan

Paalam na aming Tita Cory
Nawa ay patuloy mo kaming bantayan
Paalam na aming Tita Cory
Tandaan mong di nasayang ang iyon binitawan



PBA09r190502
Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

8 comments:

  1. beautiful!

    In Service,

    Marc A. Orenza
    Volunteer Management Program & Leadership Through Service Director- Service For Peace in the Philippines
    Member- Junior Chamber International Lungsod Quezon
    Language Instructor- Japanese, ASCEND Foundation
    (+63)9285540473

    ReplyDelete
  2. Ey Shen! I just read your "tula" for tita Cory over the Phil. Daily Inquirer. Galing ha :)

    ReplyDelete
  3. Oo nga.... I will check if it is also published in the newspaper. I have seen it published via Inquirer.net http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20090803-218500/HONORS-ROLL-Alive-in-hearts-minds

    It is my simple tribute to former President Cory Aquino... a thanks to her great contribution to the Filipino people.

    ReplyDelete
  4. .. .tunay kang mabait idol ta;aga kita

    ReplyDelete
  5. Thanks po! Sana makilala kita :)

    ReplyDelete
  6. i love chizzzzzz escudero!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  7. tulang elehiya ba ito?

    ReplyDelete

Post Top Ad

Your Ad Spot

Pages