Kahapon ay sumama sa Unity Walk ang 13 na tatakbong presidente o bise-presidente sa darating na Halalan 2010. Kasama sa mga nag unity walk sina Jejomar Binay, JC delos Reyes, Francis Escudero, Joseph Estrada, Bayani Fernando, Richard Gordon, Loren Legarda, Jamby Madrigal, Francis Pangilinan, Nicanor Perlas, Mar Roxas, Eddie Villanueva at Manny Villar.
Nangako sila na hindi mandaraya at hindi gagamitin ang dahas at ang maling paggamit ng pera sa darating na halalan. Sumumpa sila sa 13 na bagay na kanilang sinasang-ayunan para sa Halalan 2010. (Tingnan ang SINUMPAANG PANGAKO NG MGA KANDIDATO)
Habang sinusulat ko ito ay natigilan ako bigla sapagkat dalawang beses umulit ang numero 13 sa nangyaring ito. 13 ang nakiisa sa Tatakbo Ka Ba? at 13 din ang bilang ng kanilang pangako.... hmmm sana huwag naman silang malasin.
Ano ba ang silbi naman ng kanilang ginawang ito?
Sinabi ni Perlas na mahalaga na maging malinis ang halalan sa 2010 sapagkat marami sa mga Pilipino ang gusto ng tunay at epektibong reporma sa pamaghalaan.
“Most Filipinos are looking for change. That is why we really need to ensure clean elections so that the real choice of Filipinos can emerge,” iyan ang sabi ni Perlas.
Sinabi naman ni Bro. Eddie Villanueva na sana ay tuparin ng mga lumagda doon na kakandidato ang kanilang mga sinabi sapagka't noong daw 2004 ay lumuhod pa sa Simbahan ng San Agustin pero nagkadayaan pa rin.
Ano ang magiging simbulo ng 13 na numero sa halalan sa 2010? Marahil ito ay simbulo ng tuluyang pagbabago ng ating bansa tungo sa isang maganda at natatanging Pilipinas. Ito ay simbulo ng pagbagsak ng uring nagpahirap sa mamamayang Filipino.
Narito ang mga sinulat ng mga kandidato sa Unity Wall:
Binay: Ipagmalaki mo ikaw ay Pilipino
Delos Reyes: For hope and a new beginning
Escudero: Para sa kabataang Pilipino
Estrada: Walang tutulong sa Pilipino kundi kapwa Pilipino
Fernando: Let's get it done
Gordon: For a change in men
Legarda: Malinis na halalan
Madrigal: For God and country
Pangilinan: Rock the Vote!
Perlas: Tayong lahat ang magbabago ng Pilipinas.
Roxas: Para sa bansa
Villanueva: Ang tunay na pagbabago
Villar: Para sa malinis na halalan
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |
sino kaya ang susunod na magiging pangulo ng Pilipinas? mahirap ng magtiwala....
ReplyDeleteplease visit me at : http://ulongmaybayong.blogspot.com
Magsama-sama na tayo kay Nicky Perlas ... http://www.nicanorperlas.com
ReplyDelete