
Ganap na 7:15 p.m. malamang nagsimula ang screening pagkatapos ng introduction ni Rafa Lopa ng Ninoy Aquino Foundation. Simula pa lamang ng palabas alam ko ng kakaiba ang matutunghayan ko.
Ang mag-amang sina Bam Aquino at Paul Aquino ang nagbigay ng buhay sa katauhan at boses ni Ninoy. Si Bam ang nagreenact ng paglalakbay ni Ninoy at ang kanyang ama naman ang nagbigay ng boses at mga "thoughts" ni Ninoy.

Maganda ang pagkakahain ng dokumentaryo. Bukod sa pagsasalaysay ng huling paglalakbay ni Ninoy mula Boston papuntang Pilipinas, sa pagbabago nya ng pangalan bilang Marcial Bonifacio, sa pagbisita niya sa Sultan ng Johore, hanggang sa nakakapangilabot na kamatayan sa MIA.

Ayaw kong ikuwento ng buong buo ang dokumentaryo sapagkat mas maganda kung mapapanuod ninyo ito. Para sa akin isa itong kuwento na gigising sa kabataan at sa buong Pilipinas. Gigising upang mas maintindihan nila ang pangarap nina Ninoy at Cory.
Sabi nga ni Ninoy, hindi lamang nakasalalay sa isang tao ang kinabukasan ng ating bansa sapagkat ito ay nakasalalay sa ATING LAHAT... TAYONG LAHAT ang magdadala ng kinabukasan ng ating bansa.

Congratulations Direk Jun Reyes, Unitel Pictures at kay Bam Aquino sa kanyang acting role.

Abangan po natin at huwag itong palalampasin.
THE LAST JOURNEY OF NINOY - Official Trailer
Hindi pa tapos ang laban nina Ninoy at Cory... IPAGPATULOY NATIN!
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |
Inabangan ko talaga to kagabi. ganda ng pagkakagawa. Sana ilabas nila to sa DVD.
ReplyDeleteam sure ilalabas nila ito sa DVD... napakaganda talaga. maganda nga kung madadala rin ito sa mga schools eh.
ReplyDelete