
Si DJ Mojo Jojo ay isang hayag na bading o baklang DJ na namamayagpag sa ating himpapawid. Ang ad naman ay sinasabing isang promosyon lamang ng produktong pampaganda at hindi ng impralidad kaya nga ba naglagay ng isang ONLINE PETITION ang mga grupong nakikipaglaban para sa LGBT rights upang muling mabalik ang billboard.
Para sa akin wala namang masama sa billboard na ito. Siguro sinasabi nila na ito ay ang hayagan ng pagtanggap sa mga bading sa ating lipunan. e ano naman kung tanggapin natin sila? Sa totoo lang tao rin naman sila. Marami nga sa mga nasa simbahan mismo ay hindi lang umaamin pero may mga bading at silahis din na akala mo ay sobrang relihiyoso at pakontra kontra pa.
Hindi imoralidad ang ipinapakita sa nasabing billboard kundi isang produktong pampaganda. Ano ba ang pagkakaiba kung si Dingdong Dantes o kaya ay si Marian Rivera ang nandun? Masama bang maging bakla sa ating bansa?
Iba na ang panahon ngayon at ang mga ganitong diskriminasyon ay walang lugar. Dapat na hayaan na lang ang billboard na ito maliban na nga lang kung delikado ang pinaglagyan nila o kaya ay may bagyo kaya dapat munang tanggalin.
Tayo ay pare-parehong tao. Pare-pareho ng kinakain at ginagalawan. Kaya sana naman ay huwag nating bigyan ng ibang kahulugan o masamang pagtingin ang ating kapwa dahil lamang sa kanyang kasarian.
Ako hindi ko ikinakahiya na bisexual ako... kung may problema ang iba doon ay wala akong pakialam... sapagkat hindi naman nila hawak ang aking pagkatao.
Kaya ako pipirma na ako sa PETISYON PARA IBALIK ANG BILLBOARD NI DJ MOJO JOJO.
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |
nice one..
ReplyDeleteFor me I think it should be equal rights. Karapatan nila na express ang kanilang pagkatao at kasarian as long as it is not obscene. Maling-mali ang ginawa na yan.
ReplyDeleteHe. Ang pangit pangit ng ad. Bobo nakaisip. Buti nga natanggal.
ReplyDelete