Walang masama na maging maingay. We should express how we feel as citizens of the Philippines. Be noisy for a cause. Be noisy for the right thing. Let us be Pinoise with common sense. Hindi na kami pagod kasi noisy na kami!

Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Wednesday, August 26, 2009

Demokrasya ni Prof. Dan Rivero

Demokrasya
Prof. Dan Rivero

Ang bayang naging tulog, bibig naging kimi;
Ay namula’t, nagising at nagsalitang muli;
Sa paglisan ng isang taong minsa’y tumindig;
Laban sa rehimeng sa baya’y nagpatahimik;
Mga karapatang sagrado matagal na siniil.

Kanyang asawa pinatay na walang laban;
Bitbit lamang ang hangad para sa kalayaan;
Para sa sambayanang uhaw sa kapayapaan;
Tungo sa tunay na kaunlaran nitong ating bayan;
Sa ilalim ng katotohanan, pag-ibig at katarungan.

Subali’t hindi naduwag itong abang biyuda;
Sa halip ay tumayo at humarap sa masa;
Baya’y nagkaisa’t tumalima sa panawagan nya
Na labanan ang pagkamakasarili at pagpapasasa;
Ng isang diktador, pamilya nya’t oligarkiya.

Kalayaa’y natamo dalawang dekada ng lumipas;
Nang ang diktador at alipores niya’y umalpas;
Taumbaya’y nagsimula sa isang panibagong bukas
Sa gabay ng lider na namuno sa pag-aaklas;
Ang demokrasya’y nakamtan muli sa wakas.

Nguni’t sa paglipas ng taon, tila may nagbago;
Ang kalayaan at demokrasya na ating natamo—
Ay nabale-wala at ngayo’y inaabuso;
Ng mismong mamamayan lalo na sa liderato;
Masasayang na lang ba ang ipinaglaban dito?

Para bagang isang bulkan ang bayan kong sinilangan;
Madalas ang hidwaan, paminsa’y nagpuputukan;
Mga lider ng pamahalaan gayun din ang mamamayan;
Kailan ba matatapos yari itong kaguluhan;
At magigising ang bayan sa kawalang paki-alam?

Ganito ba ang mukha ng demokrasya sa ‘ting bansa?
Na ang mga lider ay walang malasaki’t sa kapwa?
Na sa tuwing halalan lang sila naalala?
Kaawa-awa naman ang mga maralita’t dukha;
Sa yaman at posisyon ang ilan ay nagpapasasa.

Tayo ng kumilos, baguhin ang pananaw;
Ating tahakin ang landas, gabay ng bagong araw;
May pag-asa pa ang bayan, liwanag ay tanaw;
Itaguyod, ipaglaban kalayaang ating sigaw;
Demokrasya ng bayan huwag muling pumanaw.




Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot

Pages