Ang mga lola ko ay taal na taga Atimonan. Ang pamilya Merano ang nagpatayo ng kauna-unahang pinakamalaking hotel sa bayang ito. Sayang nga lang at pagdating ng liberation ay isa ito sa mga binagsakan ng bomba. Ang mga sakang kasi eh dun tumutuloy.
Buhat ng tumira ako doon noong ako ay siyam na taong gulang at nasa Grade 3 ay bakas ang pundasyon ng lumang bahay. Ang mga matitibay na semento at mga sinaunang kasilyas. Totoo nga na tila napakatibay ng yari ng mga bahay noon. Malamang hindi nila tinitipid kasi hindi pa uso ang pakyawan na tinatawag.
Simple lamang ang buhay sa Atimonan. Halos magkakakilala ang mga tao... mababait at siyempre marami ring mga pinapaniwalaan na talagang likas sa bayang ito.

Nasa tabing dagat din ang Atimonan. Bahagi ito ng protected area ng Lamon Bay. Maganda ang karagatan sapagkat hindi tulad ng ibang lugar sa Southern Quezon dahil hindi mabato ang dagat dito.
Maalamat din ang bayan ng Atimonan. Noong mga unang panahon ay kinatakutan din ang Atimonan dahil daw may mga aswang dito at manananggal. Katunayan may isa ngang kuwento tungkol sa isang malaking aso na nahuli ng pulis at pagtingin sa kulungan ay isang matanda na ito. Ayaw ko ng idetalye pa ang kuwento sapagkat mahirap na.

Sa kasaysayan naman ay isa sa naging daungan ng mga mananakop na hapon ang Atimonan. Malapit kasi ito sa South China Sea, ilang milya nga lang ay nasa "open sea" ka na buhat dito.
May 42 na baranggay ang bayan ng Atimonan. Ilan sa pinakamalalayo tulad ng San Andres Bundok, Montes Callagan at Montes Balaon ay kailangan mong lakarin para marating mo. Paano ko alam? Syempre kasi narating ko na ang lahat ng barangay sa Atimonan noong kumandidato ako na konsehal ng bayan.
Ang pangalan ng Atimonan ay pinaniniwalaang galing sa pangalang Simeona Mangaba o Ate Monang. Ito ay natatag noong February 4, 1608. Kaya nga tuwing ika-4 ng Pebrero ay nagkakaroon ng tinatawag na Atimonan Friendship Day.
Kilala rin sa Atimonan ang pangalang Iskong Bantay na nagsilbing matapang na bantay ng Obserbatoryo sa may tabing dagat. Siya ang namuno sa pagprotekta ng bayan laban sa mga piratang Moro noong unang panahon.
Dito rin ako nagtapos ng aking Elementarya, sa Atimonan Central School at sekundarya naman sa Our Lady of the Angels Academy Batch 1994. Nong 1995 hanggang 1999 ay nag-aral naman ako ng kolehiyo sa Leon Guinto Memorial College (LGMC).
Sa bayan ding ito umusbong ang samahan naming binuo na Brotherhood of Destiny o BROOD na hanggang ngayon ay patuloy na pinagyayaman at pinatatatag.
Kung may panahon po kayo at oras ay bumisita kayo sa bayang ito sapagkat hindi kayo magsisisi... maganda ang dagat at mababait ang mga tao.
Para sa higit pang kaalaman sa Atimonan puwede po kayong bumisita sa website na www.atimonan-quezon.com
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |
sino ka pong dating konsehal ng atimonan,quezon?
ReplyDeletepaki sagot naman po,please?
isa ka ba sa mga kakandidato sa eleksyon 2010?
paki sagot po sa e-mail account ko sa amajoe_orig25@yahoo.com
doon sa friendster..
thank you--god bless..
Actually tumakbo lang po akong konsehal ng Atimonan noong 2001 sa ilalim ng Akbayan. Ako po si David "Tisoy" D'Angelo subalit hindi po tayo pinalad na manalo. Ngayon po ay kasama ako sa core group ng mga nagsusulong para sa kandidatura ni Nick Perlas sa pagka pangulo. Siya po ang tunay na pag-asa ng ating bayan kasama tayong lahat.
ReplyDeletePwede nyo po akong macontact sa phil_lenin@yahoo.com o sa 09165450452. Salamat po!