Nicanor Perlas for President, Philippines 2010 from Edmbin on Vimeo.
Bukod sa pagsasabi ko kung sino ang sa palagay ko ay karapat-dapat maging pangulo na paulit-ulit ko namang sinasabi at pinagdidiinan... sabi nga ng iba makulit daw ako pero ang sabi ko naman kailangan sapagkat lumiliit na ang panahon para sa ating bayan.
Nakakabahala ang sinabi ng isang artikulo na maaaring hindi na umabot ang Pilipinas ng 100 taon. Nakakatakot ito sapagkat pawang katotohanan ang mga sinasabi dito. Kung hindi tayo magigising at kung hindi natin babaguhin ang direksyong tinatahak ng ating bansa habang maaga pa maaaring maging huli na ang lahat.
Hindi nadadala ng kasikatan ang katotohanang palagi na lang mga ganyan ang ibinoto natin. Hindi nadadala ng itsura at kabataan ang karapatang sabihin na kaya nilang baguhin ang ating bansa. Ang katunayan ang katatagan at paninindigan para sa kapakanan ng bansa at ng bawat Filipino ang tunay na basehan.
Ito ang basehan ng kabayanihan nina Ninoy Aquino at Cory Aquino. Hindi sa dugo ang basehan, hindi sa partido, hindi sa pera kundi sa taos pusong pagyakap sa paglilingkod sa bayan at sa mamamayang Filipino.
Sabi nila IMPOSSIBLE daw na manalo ang mga alternative politicians. Imposible kasi ayaw nating maniwala... imposible kasi hinahayaan nating maloko sa mga pang-uuto ng mga pulitiko. Hindi ba ang salitang impossible ay pwedeng maging I AM POSSIBLE. At hindi ba ang tanging sigurado sa mundo ay PAGBABAGO. Kung pagbabago ang sigurado ibig sabihin KAYA MONG MAGBAGO... KAYA KONG MAGBAGO at KAYA NATING MAGBAGO.
Kaibigan, panahon na nang pagkilos... manindigan tayo at angkinin ang bagong Pilipinas... likhain natin ito ng sama-sama sapagkat tayong lahat, bawat isa ay PERLAS ng silangan.... TAYONG LAHAT AY PERLAS.
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |
No comments:
Post a Comment