
Isa ako sa mga taong patuloy na naniniwala na mag pag-asa pa ang ating bansa. Sa kabila ng lahat ng naranasan ko at ng mga nakita ko naniniwala pa rin ako. Nakita ko ang mga taong gagawin ang lahat para masira ka at huwag umangat dahil gusto nilang sila lagi ang bida. Nakita ko ang katotohanan ng mga samahan dito sa ating bansa at kung paano sila hindi kikilos kung hindi sila ang magiging bida o pinaka makikinabang. Nakita ko ang hirap ng pagkuha ng tulong sa mga sangay ng pamahalaan at mga negosyo kahit pa maganda ang iyong layunin kung wala kang "backer" at pangalan. Nakita ko ang katiwalian sa media na kung saan hindi ka nila pupuntahan kung wala ka ring "backer" at pambayad sa kanila.
Pangit man ang mga ito ay hindi ko sinisisi ang Pilipinas. Hindi ko sinisisi ang bansa ko. Bakit? Sapagkat hindi naman sila ang Pilipinas. Hindi ang mga taong ito ang mga tunay na mamamayan ng bansa ko. Para sa akin hindi lang ako isang Pinoy sapagkat ako rin ay isang Maharlika. Kaya nga naisulat ko dati ang Maharlika: Ang Dakilang Lahi sapagkat naniniwala ako na malaki ang pagasa ng bansa natin. Ang artikulong iyan ay umani ng sangkatutak na kumento at pang-uuya... nagpapakita lamang kung ano ang kulturang pansarili na umiiran sa atin.
Pagod ka na bang maging Pinoy? Pagod ka na bang maging Filipino? Ayaw mo na ba sa Pilipinas?
Ako ayaw ko na rin sapagka't panahon na upang maging Maharlika. Ito ang ating dakilang lahi na dapat muling magbangon sa ating bayan.
Kailangan natin ng pagbabago hindi lamang sa mga nakaupo sa pamahalaan kundi pagbabago maging sa ating pansariling pananaw at pamumuhay.
Tayong lahat... bawat isa ang magbabago sa ating bansa.
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |
No comments:
Post a Comment