2010 Presidential Elections | Presidential Candidates | Political Arena - ito ang website na talaga namang na impress ako. Kahit pa nakalagay sa ilang kandidato ay undecided ay sila lamang yata ang updated at kumpleto sa mga listahan ng nag[ahayag ng kagustuhang tumakbo bilang Pangulo. Ang maganda pa dito ay para itong isang social networking site na kung saan pwede kang magjoin at makihalubilo sa ibang tao. Pwede mo rin ipakita at ikampanya ang iyong sinusuportahang kandidato. Dito pwede kang magtanong sa kandidato at makisalamuha sa forum... pwede ka ring magupload ng photo at video.
YouthVote Philippines - isa sa pinakasikat na samahan para ikampanya ang role ng kabataan sa 2010 elections. Kapartner nila sa layuning ito ang GMA 7 at maging ang ABS-CBN at iba pang nasa tri-media. Sa ngayon ay isang information only site ito at walang user interaction. Nakakalungkot din na mukhang hindi updated ang listahan nila ng presidentiables at gayun din maging ang mga ulat tungkol sa kanilang mga aktibidad.
Movement for Good Governance - isang samahan ng mga taong naglalayon ng mas makabuluhan na pamamahala. Sila rin ang namamahala ng Talakayan 2010, isang forum na kung saan pinagsasama-sama ang mga kandidato upang sagutin ang mga tanong direkta mula sa mga botante. Katulad ito ng "town hall meetings" sa Estados Unidos. Mayroon din silang tinatawag na MGG socorecard na nagiging basehan ng pagpili sa mga kandidato. Nakakalungkot rin na hindi updated ang website na ito.
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |
No comments:
Post a Comment