
In death and in life justice should be the basis of our existence and should be the foundation of our principles - David D'Angelo
Sa mga mabubuti ba ay karahasan ang dapat igawad at igantimpala? Sa mga nagsusumikap bang gawing mas makabuluhan ang lipunan ay pang-aapi ang dapat ibigay? Si Ka Rene Peñas ay nakibaka para sa Sumilao Farmers. Hindi sya nakibaka para lamang sa kanyang sarili kundi para sa kinabukasan ng mas nakararami ngayon at sa mga susunod pang henerasyon. Isang punglo ng bala, iyan ang katumbas ng buhay para sa iba.
Nais kong ibahagi ang isang Tula ng Pamamaalam kay Ka Rene Peñas na natanggap ko sa aking e-mail...
Ang luntiang bukirin, na sinaka't tinamnan
Ito ang kaulayaw, umulan man at umaraw
Sing’ halaga ng buhay, itong lupang sakahan,
Sa panahon ng tag-ani, sikmura’y nalalamnan
Nang inangkin ang lupa, ng mga gahaman,
Ngayo’t magpakailanman, ang mithi ay ipaglaban.
Pinuhunang luha’t pawis, sa luntiang taniman,
Sukdulang ang hiram kong buhay, ang maging kabayaran.
Mawala man ako, sa luntiang bukirin
Sana sa tuwina, inyong pakaisipin
Minsan may “Ka Rene”, na naging punla’t pananim
Yayabong at bubunga, upang inyong anihin.
Malungkot man ang araw, ng aking paglisan.
Sana’y magpatuloy, ang ating sinimulan.
At sa aking pagharap sa Poong Maykapal,
Aking hihilinging, ibangon ang ating DANGAL.
Paalam!
Tribute to Rene Peñas
Hanggang ngayon marami pa ring mahihirap at magsasaka ang walang lupa at ang ilan namang mayroon ay patuloy na sinisikil ng mga ganid na korporasyon at may-ari nito.
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |
No comments:
Post a Comment