Unang tanong na napapanahon siguro ay bakit pilit na inihahabol ang Constituent Assembly kahit na walang pondo para rito? Marami ang nagsasabi na ito ay bahagi ng paraan para mapanatili ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas ng mas matagal pa sa pwesto sa pamamagitan ng pagpapalit ng sistema ng pamahalaan mula Presidensyal patungong Parliamentary. Sa sistemang ito ang kelangan lang gawin ni Pangulong Gloria Arroyo ay lumaban sa kanilang distrito bilang kinatawan, manalo at maiboto bilang Prime Minister.

Subalit isang malaking pagkakamali kung ito ay matutuloy. Tiyak na mag-aalsa at lalaban ang taumbayan sa anumang pagtatangka na huwag ituloy ang eleksyon at panatilihin si PGMA sa pwesto.
Kahit sabihin pagdating sa pagpili at sa proseso ng eleksyon ay napakabata pa at immature ang karamihan sa mga botante ay hindi naman ang ganitong paraan at ang ganitong panahon ang dapat gawin upang solusyunan ito. Kailangan ng isang tunay na pagbabago ng paraan ng eleksyon, kaugalian, edukasyon at iba pang bagay kasama na ang muling pagtuklas sa ating sariling kultura upang muling maibangon ang ating pagka-Filipino.
Hindi lamang karangalan galing kay Manny Pacquiao at tagumpay ng iilang tao ang kailangan para sabihing tunay na Filipino sapagkat ang tunay na Filipino ay nagmamahal sa kanyang bayan ng higit sa lahat at hindi sa pera at pansariling kapakanan tulad ng mga karamihan sa mga namumuno.
NO TO CON-ASS and NO TO CHARTER CHANGE!
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |
No comments:
Post a Comment