
Naalala ko na bago ko baguhin yung profile ko ay may nagkomento rin sa e-mail address ko na phil_lenin@yahoo.com ... ehehehe akala nila email ni Nick Perlas kaya nagtanong mga kakilala nya at sinigurado na hindi siya komunista. Funny pero minsan nakakapaisip din.

Mabalik tayo sa topic. Hindi ba natin napapansin na karamihan sa mga nageendorse ng kandidato ay may itsura, mataas ang pinag aralan at well karamihan din sa kanila ay lalaki o kung hindi man straight ika nga. Isipin mo na lang kung iendorse si Mar Roxas ni Diego, ang pambansang bading ng Pilipinas. Anu kaya ang magiging epekto nito sa kanyang kredibilidad? Pero dapat nga bang makaapekto o sadyang mababaw lang talaga ang ating pananaw at mapanghusga tayo?
Uy pareng Bency wag kang magagalit ha kasi di naman ito personal na komento talagang malikot lang utak ko at marami ako naisip dahil sa komento mo sa aking napaka cute na profile pic. Naalala ko ulit tuloy nung pagkatapos ko matalo sa pagka konsehal sa Atimonan, Quezon nagpa kulay ako ng buhok at mind you mga kaberks tri-color pa tapos nag pa tattoo pa ako... kakaiba di ba?
Sa totoo lang mas pinapaniwalaan talaga sa ating bansa ang may edukasyon, may itsura at ang mga lalaki. Ito ang ating nakagisnang kultura ng paniniwala at pulitika. Sa Pilipinas lang ba ganito? Sa totoo lang hindi lang naman dito ganyan kasi maging sa ibang lugar eh medyo ganun din... iba na talaga ang magandang lalaki o babae ika nga nila... opps pero sabi ni Andrew E. mas ok daw ang pangit.
Pero anu nga ba ang silbi ng mga ito? Wala naman di ba? Sapagkat anuman ang ating itsura, edukasyon, estado sa buhay at kasarian eh iisa lang naman ang bansa nating tinitirahan, iisa lang ang hanging ating hinihingahan at lahat tayo eh magiging lupa pag tayo eh namatay.
Para sa akin ang pagsuporta sa isang kandidato tulad nga ng sa kaso ko kay Nicanor Perlas ay hindi dapat ibase sa pisikal na kaanyuan o maging sa e-mail ng isang tao kasi kung magkakagayun paano pa natin tutulungan ang ating lipunan? Di ba? Di ba?
O paano may mga hikayatin pa ako na mag join sa Nicanor Perlas for President. Kayo ba? Meron din nga pala sa FRIENDSTER kaya SALI NA!
Tingnan mo yan nagpromote pa tuloy ako... ehehehehe
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |
No comments:
Post a Comment