Ang sagot ay depende sayo, sa akin at sa ating lahat. Ano ba ang tinitingnan natin sa pagboto sa isang kandidato? Kasikatan ba? Itsura ba? Ganda ba ng kanyang komersyal? Ganda ba ng kanyang pananalita? Ang kanya bang pamilya o asawa? Sikat ba siyang artista? Magaling ba syang magpatawa? May plataporma ba sya na makatotohanan? Kaya ba niyang manindigan?
Alin sa mga nasa itaas ang iyong batayan sa pagpili ng iboboto sa Halalan 2010? Hindi ganun kasikat si Nicanor Perlas sa panahong ito subalit sa dami ng kanyang ipinaglaban para sa mamayang Filipino ay naniniwala ako na karapat-dapat at kaya niyang pamahalaan ang ating bayan.
Si Nicanor Perlas ay naging instrumento upang maiba ang perspektibo ng APEC noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos. Maging si dating Jaime Cardinal Sin ay nakumbinse niya sa ipinaglalaban na Sustainable Development.
“ . . . in a recent speech before women leaders of APEC, you emphasized that sustainable development, not profit, is the bottom line in APEC. Earlier you categorically warned Ministers of APEC that you do not want the environment to be sacrificed in the express train of economic growth. . . . . In addition, on 26 September 1996, you have formally inaugurated a new framework for development, the Philippine Agenda 21 or PA21, the country’s framework for sustainable development now and into the 21st century. The principles articulated in PA21 are close to the basic values of the Gospel and social teachings of the Church and herein lies the hope for some understanding and common direction.”
Bukod sa pagtatagumpay sa APEC siya rin ay naging instrumento sa mga sumusunod:
• Nanguna siya sa mga nanindigan upang manatiling "nuclear and weapons-free" ang ating bansa at sa pagpigil sa gobyerno sa plano nitong pagtatayo pa ng 12 nuclear plants at pagproseso ng mga "Waste" upang gawing bomba nuclear.
• Hinikayat niya at napagtagumpayan ang pagsasama-sama ng iba't-ibang sektor upang buuin ang Philippine Agenda 21, na naging pinakamataas na basehan ng pamahalaan para sa pagunlad sa ilalim ng rehimeng Ramos. ANG PA21 ang naging "most consultative policy document in Philippine history"
Binigyang parangal din ng United Nations ang PA21 bilang isa sa pinakamagandang halimbawa at pikama posibleng pagtulak para sa Sustainable Development. Ang "societal threefolding" ni Nicanor Perlas din ang pinagbasehan ng Unied Nations sa Sustainable Development nito at maging sa Millenium Development Goals o MDGs.
Ilan lamang yan sa mga patunay na ang isang kagaya ni Nicanor Perlas ay tunay na nararapat na maglingkod sa ating bansa. Ang mga kagaya niya ang dapat nabibigyan ng pagkakataon na makapaglingkod at mapagsilbihan ang mamayang Filipino.
NICANOR PERLAS FOR PRESIDENT 2010? Pwede... pero kayo ang makakapagdesisyon niyan... at syempre si Nicky.
References and Further Reading:
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |
Ang galing Dave! You captured who Nicanor Perlas is. His life has prepared him for this job. Unlike other candidates who are only preparing for the elections.
ReplyDeleteThanks! Ginawa ko ito sapagkat naniniwala ako kay Nick Perlas. Alam ko na mahirap ang daan pero panahon na para ang mga kagaya naman nya ang maging Pangulo.
ReplyDeleteMarami na ang sanay naging mabuting pangulo tulad nina Claro M. Recto, Jovito Salonga at Raul Roco pero hindi sila nabibigyan ng pagkakataon.
Panahon na Pilipinas!
Si Nick Perlas na talaga ang hinahanap nating tamang presidente sa ating bansa. Marami siyang ginawa na nakakabuti sa ating bayan lalong lalo na sa ating environment. Let's support him
ReplyDeleteAt mangyayari lamang ito kung magsasama-sama tayo at ipapaalam sa lahat na si Nick Perlas na nga ang tamang Presidente para sa Pilipinas. Magtulungan tayo na ipanalo. Nicanor "Nick" Perlas for President!
ReplyDelete