
Sa mga nalibot ko na, isa sa mga nakita kong mall sa may Marikina Area ang Robinsons na katapat ng Sta. Lucia Mall. kahitWifi hotspot ang buong mall at take not free access yan. Kaso huwag kayong aasa na mabilis ang wifi connection nila kasi kahit na 1Mbps ang bilis para ka namang naka dial-up sa loading ng browser mo.
Kung kayo naman ay gusto ng medyo cozy na lugar pwede nyong subukan ang mga branches ng Burger King. Secured ang wifi nila kaya kelangan mo ng key at password na pwede mong makuha sa counter nila upon order. Bumili ka na lang ng pinakamurang item na sundae na nagkakahalaga ng P35 at magkaka wifi card ka na kasama na ang kailangan mong info. Pwede ka ng tumagal dun siguro ng mga ilang oras. Syempre huwag ka namang maglalagi dun ng maghapon o kaya kahit higit sa 5 oras kasi di ba nakakahiya rin naman.
May ilang sangay na rin ang McDonalds na wifi. Tulad na lang ng nakita kong McDonald sa may Marcos Highway na malapit din sa Sta Lucia Mall.
Kung mga hotels naman na hindi mahal at may free wifi access, isa sa mga may ganito ay ang mga Sogo Grand Hotels. Paki tanong lang kung gumagana at may connectivity kasi minsan kahit malakas ang signal wala kang pag-asang makapag online at palaging "page cannot be found"
Tiyak na bukod sa mga nabanggit ay marami pang ibang wifi hotspot at syempre kung may alam kayo pakidagdag naman po at paki comment. Baguhan lang din ako at syempre gusto ko ring maka konekta sa internet, makapagcheck ng email at magchat habang nasa labas ako at may mga meetings.
Paalala lang po pag naka wifi access tayo huwag kalimutang laging iupdate ang inyong anti-virus at syempre ilagay po natin sa highest level ang ating firewall settings ng ating operating system ng sa gayon ay hindi tayo mapasok ng virus.
Maligayang wifi surfing!
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |
No comments:
Post a Comment