Walang masama na maging maingay. We should express how we feel as citizens of the Philippines. Be noisy for a cause. Be noisy for the right thing. Let us be Pinoise with common sense. Hindi na kami pagod kasi noisy na kami!

Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Sunday, January 18, 2009

Hindi Makatarungang Suspensyon (Injustice to the Suspended Science High School Students)

Hindi ko makita kung bakit dapat suspendihin ang 3 estudyante ng kilalang Science High School dahil lamang sa nakasulat sa kanilang blog. Wala na ba silang karapatang magsalita at masabi ang kanilang mga hinaing. Tila yata ang mga gurong dapat ay nagtuturo ng tamang asal at ng tama at mali ay umaabuso sa kanilang kapangyarihan at mga estudyante. Ang blogging ay parang isang journal na kung saan nagsusulat ang mga may-ari nito ng kwento o opinyon kaya hindi dapat na masuspend ang mga bata dahil lamang sa pagsasabi ng totoo.

Isa itong panawagan sa DepEd at sa kinauukulan na dapat bilang mga guro ay maging ehemplo kayo ng mabuting asal at sana naman ay bigyan nyo rin ng respeto at tunay na pagmamahal ang inyong mga mag-aaral.

Sa mga guro at sa pamunuan ng paaralan na nagsuspindi sa mga estudyanteng ito... NAKAKAHIYA KAYO!


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

2 comments:

  1. Actually, hindi from Philippine Science ung tatlo. They're from Quezon City Science High School.

    ReplyDelete

Post Top Ad

Your Ad Spot

Pages