ANG PASKO KO'Y SUMABIT
(Hinaing ni JocJoc Bolante)
(Tune: "Ang Pasko ay Sumapit" ni Levi Celerio)
ang Pasko ko'y sumabit
ngunit `di pa rin aawit
kahit sa magdamagang hearing
dahil, diyos ko, ako'y may feeling
kung ako ay magsiwalat
may tatlong pari na dadalaw
at ang bawat isaay
may ihahandog na dasal pang-patay
bagong taon kala'y bagong-buhay
humingi ng asylum du'n kay Uncle Sam
ako ay nagsikap upang di makita
ginawa ko para kay ma'am!
ayaw ko talagang umawit
balak ko lang ay tumahimik
kalusuga'y naiipitkapag namatay,
bagsak ko'y di sa langit
St. Luke's pa naman may kamahalan
kaya inyong sundin `tong gintong aral
kung mabubuking kayosa probinsya magtago,
`wag nang mangibang-bayan!
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |
No comments:
Post a Comment