Walang masama na maging maingay. We should express how we feel as citizens of the Philippines. Be noisy for a cause. Be noisy for the right thing. Let us be Pinoise with common sense. Hindi na kami pagod kasi noisy na kami!

Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Friday, October 10, 2008

Salamat sa Renewable Energy Bill

Kasama ako sa mga nangampanya para maipasa ang Renewable Energy (RE) Bill sa Senado at sa Kongreso. Sa aking karanasan ay sadyang mahirap mangampanya lalo na noong nakaraang kongreso na kung saan ay mas maraming personal na interes ang pinaiiral. Madaling naipasa ang RE Bill sa Kongreso noon pero nahirapan sa Senado pero ngayon salamat sa mga baguhang senador na tulad nina Miguel Zubiri na talagang pabor sa batas na ito. Kaya salamat po sa mga sumuporta sa Renewable Energy Bill.. SALUDO KAMI SA INYO!

Ang Renewable Energy Bill ay magbibigay ng insentibo para sa mga kompanya na tutulong upang maisaayos o malinang ang teknolohiyang may kinalaman dito. Kasama sa Renewable Energy ang wind, biomass, geothermal, solar, tidal at iba pa.

Ito rin ay nagbigay ng bagong direksyon sa kasalukuyang sistema ng pag-asa sa coal bilang siyang panunahing pinagkukunan ng enerhiya. Mula sa mapanira sa kalikasan na ito patungo sa isang malinis na pinagkukunan ng enerhiya ay isang napakagandang alternatibo.

Salamat sa mga gaya nina Roslyn Arayata, ng World Wide Fund for Nature, Green Peace, Renewable Energy Coalition, Brotherhood of Destiny (BROOD), Partido Kalikasan at iba pa na nagsulong ng adhikaing ito.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot

Pages