Nasaan Na Ba ang mga Guro Diyan?
(CONTEND PERFORMANCE para sa Oct. 6 World Teachers’ Day Celebration)
Nasaan na ba ang mga guro diyan?
Narito kami at nakikilaban! --> (Ipapasagot sa Audience)
Nasaan na ba ang gurong palaban?
Narito para sa karapatan!-->(Ipapasagot sa Audience)
Itong si mam at ser, hindi makakahon
sa maling sistema nitong edukasyon.
Hindi mapipigil, ngayon ay nanghahamon
upang mga kasama, gumising at bumangon!
Nasaan na ba ang mga guro diyan?
Narito kami at nakikilaban!
Nasaan na ba ang gurong palaban?
Narito para sa karapatan!
Mga classroom na sira at upuan na bulok,
may whiteboard marker nga, e wala namang white board!
Mga estudyante namin ay bagot na bagot,
ayaw nang mag-agawan sa nag-iisang textbook!
Nasaan na ba ang mga guro diyan?
Narito kami at nakikilaban!
Nasaan na ba ang gurong palaban?
Narito para sa karapatan!
Walang alam na oras kundi ang overtime.
Sampung taon nang teacher, di pa rin maregular!
At pag di sumusunod, kapag may umaangal,
hindi nare-renew, walang paa-paalam.
Nasaan na ba ang mga guro diyan?
Narito kami at nakikilaban!
Nasaan na ba ang gurong palaban?
Narito para sa karapatan!
At nang sa gobyerno, tayo ay dumulog,
SSL 3 ang siyang pinangsagot!
Kaya ang panawagan ay dagdag na pasahod,
Isulong ang umento nating nine thousand pesos!
Nasaan na ba ang mga guro diyan?
Narito kami at nakikilaban!
Nasaan na ba ang gurong palaban?
Narito para sa karapatan!
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |
No comments:
Post a Comment