Opo tama po ang nabasa ninyo. Ang manlilimbag na si R. McCulloch-Dick ng The Philippine Free Press ang unang gumamit ng pangalang ito. Naisipan niya ito matapos mapansin na sikat ang naturang pangalan at karaniwan ding makikita sa mga talaan ng korte at mga police records noon. Mula noon ay sumulat sya ng mga maiikling kasabihan tungkol kay Juan dela Cruz sa Philippine Free Press.
Karaniwang makikita si Juan noon na nagkukwento ng kanyang mga maliliit na krimeng nagawa. Sa kalaunan ay pinalawak din naman ni McCulloch-Dick ang kanyang pananaw kay Juan. Mabuti naman at naisipan nyang baguhin ang konsepto ni Juan bilang isang mapagkaibigan, mapagpakumbaba, may respeto at masipag na tao. Siguro naisip nya hindi naman talaga kriminal ang karamihan sa mga Pinoy.
Ang imahe naman ni Juan dela Cruz na nakasuot ng Barong Tagalog, salakot at tsinelas ay unang ipininta noong 1912 ng isang Filipino na si Jorge Pineda at inilimbas sa Philippine Free Press.
Salamat po sa wikipilipinas.org para sa malamang impormasyon na ito at gayun na rin sa riffology's journal.
di nman yan ehhhhhhhh
ReplyDeletegus2 namin iz 'd talambuhay!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!..........................
Wala naman talambuhay tungkol kay Juan dela Cruz kahit san ka po maghanap :)
ReplyDeleteI dont know if i should get mad or not eh! Paulit ulit na lang nmn eh, lahat ganyan nabasa ko
ReplyDelete