Walang masama na maging maingay. We should express how we feel as citizens of the Philippines. Be noisy for a cause. Be noisy for the right thing. Let us be Pinoise with common sense. Hindi na kami pagod kasi noisy na kami!

Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Thursday, September 25, 2008

Angela Montano's Bellissimo Ristorante Italian Restaurant

Wow! Yan ang unang salitang mamumutawi sa bibig mo sa sandaling makarating ka sa Bellissimo Ristorante. Isa itong fine dining Italian Restaurant na pag-aari ng anak ni Cesar Montano na si Angela. Isang lugar na kung saan makakatikim ka ng mga masasarap na Italian Cuisine at marerelax pa sa mga tugtog, likhang sining at kabuuang dating o ambiance ng lugar. Kaya nga laking karangalan ng maatasan ako na gumawa ng isang website para sa kanila at higit pa dyan ay ang pagsali nina Cris at Angela sa Brotherhood of Destiny (BROOD).

Astig na astig ang Bellissimo at para sa akin ay napapabilang sya sa mga negosyo na may magandang kinabukasan hindi lamang bilang isang "spot" sa Tomas Morato kundi maging sa posibleng pagpa Franchise dito sa hinaharap.

Matatagpuan ang Bellissimo sa Scout Castor street corner Tomas Morato Avenue, at napapagitnaan ng dalawang malalaking istasyon ng ABS-CBN at GMA-7

Mapa pizza, pasta, wine, dessert at iba pa ay mapapawow ka sa lasa, sarap at maging sa itsura pa lamang ng kanilang mga pagkain. Sa ikalawang palapag naman ay mamamangha ka sa mga likhang sining ng mga sikat na tao tulad ng anak ni dating Senador Raul Roco, ni Arnel Ignacio at ng iba pa. Naka display doon ang kanilang mga paintings at kung magustuhan mo ay maaari mo rin silang bilhin... o di ba kainan na art gallery pa.

Isa pang kapansin-pansin sa Bellissimo ay ang mga models ng mga baril. Sabi nina Chris at Angela, ito raw kasi ang isa sa mga hilig ng kanilang ama na si Cesar Montano. Astig nga eh... may nakita pa akong de plato na naka display sa bungad ng lugar.

Kung ang hanap nyo naman ay high class at masasarap na alak na mula pa sa iba't-ibang panig ng mundo... aba eh dito na rin kayo pumunta. Sulit na kayo sa sarap ng pagkain at alak pati na rin sa musika may pagkakataon pa kayong makadaupang palad ang mga artista.

Alam nyo ba na si Hollywood film director Quentin Tarantino na nasa Pinas noong 9th Cinemanila International Film Festival ay isa sa mga magsasabing pang World Class talaga ang restaurant na ito.

Para sa mga gustong bumisita at magpareserba eto ang mga detalye nila:

Bellissimo Ristorante
105 Unit E & F Scout Castor corner Tomas Morato, Quezon City
Open from Tuesday to Sunday11 AM to 11PM

Private dinners are also available upon reservation.

For inquiries and reservations
Please call 376-5746

1 comment:

  1. For me, the
    two major considerations in making the choice of restaurants to frequent is the
    flavor of food and the safety of food.

    Bellissimo Ristorante pizza have crusts that are
    pugon-baked and that is the rationale why they are al dente (good chewy
    texture, but still crisp). The Sicily pizza of Bellissimo is my personal
    favorite. It is a superior pizza with plum tomatoes imported from Italy. The
    calorie value of Bellissimo Sicily pizza is only around 563 per serving. You
    can ask the chef to “smolder” the pizza a little bit , to attain the slight
    char and smoky flavor (as there are burning tannins in wood-fired oven). If you
    wish to know the molecular mechanism in the difference between pugon-baked
    pizza and electricity driven oven-baked pizza, try this simple experiment: with
    the use of an infrared thermometer, measure the temperature inside the pugon
    oven and compare it with the reading from an electric oven. The temperature of
    the pugon oven coagulates the proteins in the surface more rapidly, therefore
    retaining the moisture in the crust and in the cheese.

    When it comes to pasta, the Aglio Olio is my first
    choice. The Bellissimo Aglio Olio has less sugar, less lipids, some salt/sodium
    in moderate amount and has thiamine and iodine (based on a proximate analysis
    of a taken-out sample last July 2009). A serving Bellissimo Aglio Olio is only
    between 110-160 calories depending on the amount of parmesan cheese you put;
    this is equivalent to only 1 two-stick Kit-Kat chocolate bar.

    In terms of microbiological safety of food and
    drinks from Bellissimo, I myself have analyzed the coliform count of the pizza
    and the iced tea by means of a methyl umbelliferyl galactoside reaction. Pizza,
    pasta and iced tea from Bellissimo are free from harmful E coli. X-ray
    Fluorescence Analysis of the iced tea proved that the iced tea contains
    beneficial minerals and does not contain unsafe elements. Liquid scintillation
    counting of the iced tea components revealed no synthetic or non-plant-derived
    ingredients. 

    ReplyDelete

Post Top Ad

Your Ad Spot

Pages