Karamihan sa mga aklat na pinapagamit sa mga mag-aaral sa paaralan sa elementarya at sa high school ay makikitang punit-punit na pagkatapos pa lamang ng unang paggamit nila dito. Ang mga kabataan ay nilalagay na lang ito kung saan-saan. Minsan pa nga ay sinusulatan at pinupunit. Naisip na ba natin na may iba pang gagamit nito?
Tamad tayong magbasa ng libro. Sabi nga sa kasaysayan, hindi raw kasi tayo "reading culture" kasi nasanay tayo sa tinatawag na "oral tradition" o pagpapasalin-salin ng mga kwento gamit ang pagsasalita.
Marami sa atin ang hindi nalalaman ang kahalagahan ng bawat libro. Kung sa Europe ay kailangang mag gwantes para magbasa ng libro dito minsan kapag walang pampaningas sa kalan o kaya walang tissue sa CR, libro ang kawawa.
Pero hindi ko naman nilalahat ng tao kasi may mga FIlipino rin naman na nagpapahalaga sa mga aklat at sana nga mas dumami pa sila. Sana makita natin na ang bawat libro ay kayamanan. Ito ay pinaghirapan ng sumulat upang mabigyan tayo ng mga kaalaman, upang makapaglakbay tayo sa iba't-ibang lugar at maibahagi ang kanilang mga saloobin.
Mahalaga ang aklat. Hindi na kailangang gayahin pa ang ginagawa nila na pagsusuot ng gwantes, ang kailangan lang ay pahalagahan, alagaan at bigyan ng pansin ang mga libro. Bigyan natin sila ng puwang sa buhay natin.
No comments:
Post a Comment