
Isang napakagandang halimbawa nito ay ang pagtulong ng mga pulitiko sa mga nangangailangan. Halos walang reklamo silang tumutulong sa lahat ng bagay: pabahay, medical, edukasyon, trabaho at kahit na pamburol at pampagawa ng kubeta ay binibigyan nila ng tulong ang mga humihingi sa kanila. Anupa’t pag eleksyon ay sila naman ang naniningil sa kanilang mga tinulungan sa pamamagitan ng pagboto nito sa kanila. Alam ba ninyong tinutuntun pa ng pulitiko kung sino ang bumoto at hindi bumoto sa kanya at kapag nalaman niyang ang tinulungan niya ay hindi sa kanya bumoto, wag ka nang aasa na ito ay tutulungan pa niyang muli.
Marami ang tumatanaw ng utang na loob sa maling paraan. Mayroon dyang pinapasok ang anak o kakilala ng tumulong sa kanya o kaya naman ay binibigyan ng posisyon kahit na hindi ito karapat-dapat na mapalagay doon at ito ay dahil na rin sa pagtanaw ng utang na loob. Gaya ng nasabi ko walang masamang tumanaw ng utang na loob at sana ay ito ay ating ipagpatuloy. Kung may pagkakataon ay hindi masamang tulungan din natin ang taong tumulong sa ating subalit sana ang lahat ng ito ay sa mabuting pamamaraan.
thanxs
ReplyDeletethe best...
ReplyDelete