Sa kamaynilaan naman matatwa ka sa mga harang, mga babala at iba pang mga karatula at paraan na ginawa ng tagapamahala ng Metropolidan Development Authority (MMDA) na si Chairman Bayani Fernando. May mga tulay-tawiran, may mga kulay “pink” na bakod kung saan-saan at mayroon pang mga “male-urinal” (paano ang babae?), para daw ito madisiplina tayong mga Filipino. Pero kalimitan matatwa ka pa rin sapagka’t ano man ang gawin mo may susuway at susuway pa rin sa mga batas nay an. May tatawid kahit pa may harang na ang tawira, may umiihi pa rin sa pader kahit na sa tabi lamang nito ay maroon nang ihian. Hindi naman natin masasabing bobo tayo sapagkat napakadali naming intindihin ng mga iyon.
Marami pang ibang kakatwang karanasan at kuwento ang nasusulat sa librong iyon na sadyang masasabi mong “oo nga ano!”, pero ang malaking tanong nalaman nila na ganun pala an gating ginagawa, mayroon ba tayong ginawa upang maitama ang mga bagay na iyon?
Isa pa sa madalas nating mapansin ay ang pag-ihi ng ating mga kalalakihan sa kung saan-saan na lang. Sadya nga bang ugaling pinoy ang pag-ihi sa poste o sa kalsada? Ito ang matagal nang tanong na umuukilkil sa aking utak. Noon kasing bata ako bibihira lang ang nakikita kong umiihi sa kalsada subalit habang tumatanda ako ay parami ng parami. Hindi sana bale kung nasa bukid, ok lang iyon pero sa siyudad at mga matataong lugar iyo ay isang kawalan ng didiplina. Kung ating iisipin ang sagot marahil dito ay dahil na rin sa dumadami an gating populasyon at kalimitan ay walang pampublikong palikuran. Kung magkagayon saan nga naman sila pwedeng umihi. Alangan naman umihi sila sa salawal e dim as kahiya-hiya naman iyon. Kaya nga kung gusting solusyunan ito siguro ay napapanahon ng maglagay ng mga pampublikong palikuran sa mga matataong lugar sa ating bansa. Buti na lang hindi pa rin tayo kagaya ng India na kung saan ay natural na lamang ang pag-ihi at pagdumi sa daan at mayroon pa ngang mga trabahador na ang trabaho ay maglinis at maghakot ng mga dumi ng tao.
Payo ko lang sa mga taong hindi maiwasan ang gawaing ito. May mga paraan upang maiwasan naman na umihi kayo sa kung saan-saan. Kung maari sana bago kayo umalis ng bahay ay umihi na kayo doon gaya ng madalas kong ginagawa pag ako ay magbabyehe. Pwede ring makiihi kayo sa mga may kainan o karinderya o kung talagang walang-wala na talaga kayong maihian ay piliin naman sana ninyo ang inyong lugar na iihian. Gusto ko talagang sabihin na tigilan na ninyo ito pero hanggat walang mga pampublikong palikuran gaya ng ginawa ni Chairman Fernando sa ibang lugar paano naman tayo.
Bakit nga ba hirap na hirap disiplinahin tayong mga Filipino samantalang pag naman nasa ibang basa ay numero uno tayong sumusunod sa batas? Ang sagot ay nasa atin na ring mga sarili, sapagkat karamihan sa atin ay madaling magsawa sa pagsunod sa tama at pagiging disiplinado samantalang ang iba naman ay hindi sumusunod. Sumunod ka man o hindi gayon din naman ang nangyayari. Pipila ka ng tama, sisingitan ka at pag nagalit ka pa sasabihin sayo maarte ka; magtatapon ka sa basurahan ng basura mo makikita mo naman ang sangkatutak na kalat sa daan; tatawid ka sa tamang tawiran makikita mo naman sa baba ang mga tumatawid sa maling tawiran pero hindi naman nahuhuli; susunod ka sa batas pero makikitang mong mas maraming hindi sumusunod sa batas at hindi rin naman pinapakialaman ng gobyerno.
Natatandaan ba ninyo ang isang komersyal na nagsasabing, “Ang maling ginagawa ng mas nakatatanda ay nagiging tama sa mata ng bata.” Simula sa mga magulang, mga nasa pamahalaan at mga sarili mismo natin ay dapat maging huwaran ng isang disiplinadong Filipino. Ang mga magulang ang siyang pinakaunang salik upang mapag tagumpayan ang pagbabagong ito. Ipakita natin sa ating mga anak sa pamamagitan ng ating mga gawain kung ano ang tama at mali. Kung disiplinado tayo siguradong disiplinado rin ang ating mga anak; kung disiplinado an gating gobyerno siguradong disiplinado rin ang ating mamamayan at higit sa lahat kung disiplinado tayo magiging disiplinado rin an gating kapwa at uunlad ang ating bansa.
Salamat sa Blog na Under Construction, ngtataka lang ako sa kanyang pangalan... para sa mga pictures.
No comments:
Post a Comment