Malimit din ang ganitong tagpo sa mga lugar ng trabaho. Sangkatutak na apakan at siraan ang nangyayari para maiangat lang ang sarili sa kanilang mga employer. Andyan yung mga patimpla-timpla ng kape kuno, yung mga kunwari e subsob sa trabaho (may mga subsob naman talaga at masipag at di kayo kasama run.. sorry) pero sa totoo lang eh nagpapaangas lang pala at intrigahin pa ang mga kasamahan sa trabaho. Sa halip na magtulungan at makuntento sa pag-unlad ng mga kasama ay nagngingitngit sa inggit upang maungusan ang iba. Kawawa naman an gating bayan kung puro tayo ganito. Aba anu pa mararating natin kung magaapakan tayo di ba?
Pagmasdan ninyo itong halaw ko mula sa isang website sa internet na “Pinoy’s Tambayan Forum”
AngelRebelde: Hi! I just want to know if anyone here has experience with crab mentality with family members, friends, or other Filipinos. I would hope and pray that the Philippine government would do something about it in the schools to tackle this problem, to teach the kids from grade 1 and curb anti-social attitudes, but then of course, what with all the corruption and etc., who can trust the Philippine government really... they're one of the biggest perpetrators of crab and colonial mentality, diba. I just pray to God that's all
mang tonio: Ako nung nasa Holland ako, na promote ako ng 2 times, tinira naman ako ng kapwa ko pinoy, na ako daw ay mahilig sa babae kaya di daw ako karapat dapat tumanggap ng HONESTY AWARD ngek.
madaku_mobutu: Kaya ayaw tumira mga parents ko malapit sa mga Pinoy sa Sydney. Masaya silang napapagkamalan kami na Italiano ... (Itang Ilokano? Ngek!.
rhedz: Si nman mga pilipino sa halip n tulugan kapwa pilipino sila p lalong nag papahirap sa iba...... ewan sa inyo bahala kayo sa buhay nyo alam nyo na ang tama at mali... Basta ako pag nakakakita ako ng pilipino sa bansang npupuntahan ko masaya ako as in natutuwa ako...
chingkay: eh kasi gusto nila sila na lang umasenso...ang masama nyan minsan kala mo kaibigan mo un pala pag talikod mo ung opportunity para sau sinisulot na at sinisiraan kp...ang sama talaga nun...pero hayaan mo nalang un kung mangyari sau ipagdasal mo na lang cia...kung sino man ung ganun
Nabartek: Negative traits of Filipinos are being discussed at school. The problem is it is DEEPLY(na parang di na mahiwalay) embedded in the Filipino culture
Pugante: Ang Pilipinas kasi ang may pinakamaraming baybayin kaya siguro maraming may crab mentality.
No comments:
Post a Comment