Ang mga bading ay isang bahagi ng katauhan ni Juan dela Cruz. Huwag man nating tanggapin sa totoo lamang ay napakarami na nila sa ating lipunan. May nagsasabi na dahil daw ito sa pagbabago ng kapaligiran at epekto na rin ng DNA, ang sabi naman ng ilan ay dahil daw ito sa personal na desisyon ng lalaki na maging ganito sya. Tanggap na nga ba sila sa lipunan?
Sa aking nakikita ay mas tanggap na sila ngayon kesa noong mga nagdaang panahon. Hindi na sila masyadong nilalait o kinukutya. Iisa lamang ang hindi maiwasang "stigma" na nakakabit sa mga bading ito ay iyong masyado silang mahilig sa laman o sabihin na nating sa titi... ewan ko nga ba pero bihira lang ang bading nag nagseseryoso, siguro dahil wala ring nagseseryoso sa kanila. May mga bading na makakita lang ng gwapo ay pumapaswit na. Mayroon ding pag maraming pera ay andyang bumili ng lalaki at magpasasa. Sabagay, karakter din naman ito ng mga lalaki yun nga lang bading sila at lalaki rin ang gusto nila.
Mas malaya na nga ngayon silang makagalaw bagama't marami pa rin ang ayaw ibukas ang kanilang tunay na pagkatao kaya sa Friendster, Multiply at iba't-iba pang SOcial Networking sila nagpapahayag ng kanilang saloobin. Pero wag kayong mabibigla sapagkat karamihan talaga ay medyo sexual oriented ang mga profile nila.
Bakit nga ba?
Sa aking palagay ito ay dahil na rin sa ang ganitong bagay ang pinaka mahirap ilabas at ipakita sa lahat... ang magmahal ng malaya sa kung anumang kasarian na gusto mo.
No comments:
Post a Comment