Walang masama na maging maingay. We should express how we feel as citizens of the Philippines. Be noisy for a cause. Be noisy for the right thing. Let us be Pinoise with common sense. Hindi na kami pagod kasi noisy na kami!

Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Friday, March 21, 2008

Semana Santang Pinoy (A Filipino Holy Week)

Tipikal na tayong makakikita sa ating bansa tuwing Mahal na Araw o Holy Week ng mga nagpepenitensya at ng mga prusisyon. Ito ang isa sa pinakamatagal ng tradisyon ng ating bansa. Sa pagiging isa sa webmaster ng Baliuag.net ay natunghayan ko ang pagkarelihiyoso at sagana sa tradisyon ng bayan ng Baliwag mula sa mga santong ipinaparada tuwing mahal na araw hanggang sa penitensya tuwing Biyernes Santo.

Subalit hindi lamang ito sa Baliuag nangyayari kundi ganun din sa iba't-ibang bahagi ng bansa. Ito ang paraan ng mga Pinoy para gunitain at makidalamhati sa ginawang sakripisyo ni Hesukristo. Pati na nga ang mga estasyon ay nagbabago rin ng programa upang iakma sa panahong ito... hindi na nga lang kagaya ng dati na mula 6 ng gabi ang palabas sapagka't ngayon ay may mga iba na ring palabas.

Mula sa mga poon hanggang sa pagsasakripisyo sa pamamagitan ng penitensya ay tunay akong humahanga sa ating mga Filipino subalit sana ay higit pa rito ang maging kahalagahan ng mga sakripisyo at panatang ito... sana ay isang panata na tuparin ang tunay na kalooban ni Kristo.

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot

Pages